Luis

Ate Vi, mabait na biyenan — Jessy

September 26, 2021 Vinia Vivar 356 views

Sa latest vlog ni Luis Manzano with mom, Vima Santos-Recto ay sinabi niyang ito na ang huling vlog nilang mag-ina at mukhang matagal-tagal bago ito masundan ulit.

Aalis na pala kasi si Luis and his wife, Jessy Mendiola sa bahay ni Ate Vi kung saan ay dalawang buwan din silang nagbakasyon.

Ayon kay Luis, kailangan na niyang magtrabaho kaya babalik na silang mag-asawa sa bahay nila.

Nalulungkot naman si Ate Vi sa pag-uwi ng mag-asawa at aniya ay sobrang mami-miss niya ang mga ito.

“Nalulungkot po ako kasi may trabaho na si Lucky at saka si Jessy, aalis na sila sa Sunday, and then, hindi na sila makakabalik kasi po kailangang magpa-PCR (test),” sabi ni ate Vi.

‘Yung two months daw na pagsasama nila ay talagang solid like sabay silang kumakain, nag-e-exercise, nagba-vlog, nagkukulitan at kung anu-ano pang bonding moments na talagang sobrang in-enjoy daw nila.

Sa isang parte ng video ay biniro ni Vilma si Jessy na baka may laman na ang tiyan nito dahil ang takaw-takaw ng manugang ngayon. Tawa lang nang tawa ang aktres.

Bago matapos ang video ay makikitang tinanong ni Ate Vi si Jessy kung anong klase siyang biyenan – kung mabait ba or makulit.

“’Yung totoo, Jess, ha, huwag kang magsisinungaling. Mabait ba ako or makulit or what?” tanong ni Ate Vi.

Sagot naman ni Jessy, “Sobrang bait n’yo po na mother-in-law. ‘Yun ang sinabi ko sa vlog ko, ’di ba? Si Momski, sobrang bait, I’m lucky to have a mother-in-law like Momski.”

Paliwanag pa niya, “kasi game si Momski sa lahat, ’di ba, Ate, si Momski ‘yung ’pag talagang sinabi mo, ‘Momski, gusto n’yo po bang i-try ’eto,’ ganyan-ganyan.

“Ang dami pong nagko-comment na ‘buti ka pa, ang bait-bait ng mother-in-law mo.’”

Dagdag pa ni Jessy, “Si Momski talaga, the best mother-in-law.”

Sey naman ni Ate Vi, parang anak na rin talaga ang turing niya kay Jessy dahil wala nga siyang anak na babae.

AUTHOR PROFILE