JLC

AshLloyd, balik-tambalan!

May 25, 2023 Vinia Vivar 212 views

NAGKAGULO ang Popsters at AshLloyd fans kahapon sa Instagram post ni Sarah Geronimo ng picture nilang dalawa ni John Lloyd Cruz na may film camera at clock emojis.

Gigil at pagkabigla ang common reaction sa comments section.

Sobrang excited na ang lahat sa hula nila’y pagbabalik-tambalan nina Sarah at Lloydie na unang nagtambal sa box-office hit films na A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009) at It Takes a Man and a Woman (2013) at Finally Found Someone (2017).

Kuha nga pala ang pictures ng AshLloyd sa Viva Films office na sa malamang ay siyang magpu-produce ng reunion movie nina Sarah at Lloydie.

AUTHOR PROFILE