Sharon

Sharon, na-achieve ang ideal weight

May 25, 2023 Vinia Vivar 237 views

Finally, after seven years ng pagre-reduce at pagda-diet, tila na-achieve na rin ni Sharon Cuneta ang kanyang ideal weight.

Nag-post ang Megastar ng larawan niya kung saan ay kitang-kita na malaki na ang ipinayat niya at buong ningning niya rin itong ipinagmalaki sa caption.

“Tonight at a private event where I sang — at the Peninsula Manila. Opo pumayat na po ako after 7 years!!!” pagmamalaki ni Shawie.

Agree naman ang mga netizen at kapwa-artista. Obvious na masayang-masaya rin sila sa success ng diet journey ni Mega.

Comment ni Christine Babao, “Payaaaaat !!!!

Reaksyon naman ni Mariel Rodriguez, “Yesssss.”

Puri naman ni Vina Morales, “Sexy ate.”

Sey ng isang netizen, “That’s what you call discipline.”

Sabi naman ng isang Sharonian, “Our queen is so back. Mama maintain it na. We love you. And on a personal note, we are so proud of your grit and determination.”

Matatandaang hindi naging madali ang journey ni Sharon sa pagpapayat for seven years.

Talagang dinisiplina niya ang sarili sa pagkain at naibahagi nga niya minsan sa isang panayam ang sikreto niya na pakonti-konti lang ang kain niya.

AUTHOR PROFILE