Julie Anne mahihirapan kapag nawala sa buhay niya si Rayver

May 26, 2023 Aster Amoyo 211 views

PARA kay Julie Anne San Jose, mahihirapan siya kung mawala sa kaniyang buhay si Rayver Cruz.

“I think it would be hard. Kasi matagal ko na ring kilala si Ray. I don’t see him just as a partner but also my best friend.

“He’s someone I can count on ‘pag may problems ako. Kumbaga best friend ko talaga siya, lahat sinasabi ko sa kanya.

“He knows everything about me, what I’m going through, and kung ano ‘yung ups and downs.

“It’s hard to live without someone na talagang sobrang special sa ‘yo, tapos ‘yung talagang kinakapitan mo sa lahat ng bagay,” sabi ni Julie.

Sinabi pa ni Julie na ang pinakauna nilang date ni Rayver ang most memorable date niya sa binata.

Kung may kanta siya para rito, ito ang kantang “Pag-ibig Na Kaya.”

Inihayag ni Julie na “importante” sa kanyang buhay at “mahal” niya si Rayver samantalang ang binata, ipinagtapat din ang nararamdaman sa kanya.

Pangarap na European trip ni John natupad

JohnNATULOY din ang matagal nang planong bakasyon ni John “Sweet” Lapus sa Europe.

First time ni Sweet na magbakasyon sa Europe na advance birthday gift para sa sarili dahil mag-turn 50 na raw siya sa July.

Three years ago pa raw dapat natuloy ang bakasyon na ito kung hindi lang daw nagkaroon ng pandemya.

“Noong April 2020 pa dapat ako nagbakasyon sa Europe with my friends. Pero dahil nagkaroon ng COVID-19 pandemic at nagkaroon ng lockdown, ayun hindi natuloy.

“‘Yung anak-anakan ko from Teatro Tomasino na si Franny Omampo from Provill, may Travel group siya talaga noon pa. So when I found out na may Europe trip sila this 2023, I asked him na isama ako. Kaya ‘yung matagal ko ng wish na makapag-Europe bago ako mag-50 ay natupad na sa wakas!” kuwento ni Sweet na ang hashtag ng kanyang Eurotrip ay #SweetVacay.

Ang iba pang kasama ni Sweet sa trip ay ang mga kaibigan na sina Ricky Gonzales, na isang creative partner ng isang kilalang ad agency at Ade Leung na production designer ng mga TV commercials.

Sa mga napuntahan nilang bansa na Portugal, Germany, Switzerland, Denmark, Sweden at Norway, may nakakasalubong silang mga Pinoy at natutuwa si Sweet na nakikilala pa siya ng mga ito.

“Konti lang ang Pinoy sa Lisbon, Munich at Zermatt. Yung mga nakakakilala sa akin, nagpapa-picture sila. Karamihan mga nagwo-work at resident na din sa Europe. Minsan ako pa tumatawag ‘pag naririnig kong Tagalog ang salita nila!” tawa pa niya.

Bago nagbakasyon si Sweet, tinapos daw niya ang kanyang mga taping para wala siyang iintindihin na nakatenggang trabaho para mas ma-enjoy niya ang pagliwaliw sa Europe.

“Bago ako umalis nagratsada taping ako ng Jack & Jill at Balita Onenan Season 2. I’m so thankful sa APT at pinayagan nila ako mag bakasyon na super-deserved ko naman daw. At least, wala akong iniisip na iba kundi ang mag-enjoy ako sa bakasyon namin,” sey pa niya.

Tina Turner hindi pera ang hiling

Tina5MARAMI ang nalungkot sa pagpanaw ng tinaguriang Queen of Rock & Roll na si Tina Turner sa edad na 83 sa kanyang tahanan sa Küsnacht, Switzerland.

Ilang taon na raw na nakikipaglaban sa iba’t ibang sakit si Tina, kabilang na rito ay kidney disease at nagkaroon na rin siya ng stroke.

Sumikat sa Tina dahil sa naging duo nila ng kanyang ex-husband na Ike Turner noong late ‘50s. Pinasikat nila ang song na “Proud Mary” noong 1971.

Kumalas si Tina sa abusive marriage nila ni Ike in 1979 at nagsimula siya ulit on her own. Sa kanilang divorce hearing, walang hiningi na pera, alahas at anumang property si Tina kundi ang pangalan lang niya na “Tina Turner” dahil pinaghirapan daw niya iyon.

Bumalik bilang solo performer si Tina in 1984 sa pamamagitan ng solo album na Private Dancer kunsaan naging hit ang singles na “Private Dancer”, “Better Be Good To Me” at “What’s Love Got To Do With It”.

The album sold five million copies sold worldwide at nanalo pa si Tina ng tatlong Grammy Awards in 1985.

Nag-retire si Tina after ng kanyang 50th anniversary sa music industry. Kinasal siya kay Erwin Bach in 2013.

Nagkaroon ng pelikula tungkol sa buhay niya in 1993 titled What’s Love Got To Do With It starring Angela Bassett at nagkaroon din ng Broadway musical na Tina The Musical in 2018.

AUTHOR PROFILE