Arjo QC 1st District Congressman-elect Arjo Atayde

Arjo Atayde nag-oath taking na bilang congressman ng QCD1

June 8, 2022 People's Tonight 261 views

OPISYAL na nag-oath taking si Arjo Atayde kamakailan bilang Congressman-elect ng Quezon City District 1 (QCD1).

Ginanap ang oath-taking ceremony sa may Grotto ng Barangay PhilAm Homes kung saan si Barangay Captain Simplicio EJ Hermogenes ang nag-facilitate.

Dinaluhan ang opisyal na seremonya ng pamilya, taga-suporta, at mga kaibigan ni Atayde at pati rin ang 19 na mga kapitan ng barangay ng QCD1 na nagbigay ng kanilang “solid” na suporta kay Atayde.

Ang bagong congressman ay may platapormang naka-sentro sa LGBTQI+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer and intersexed) kasama ang women’s rights; employment; education; senior citizens; disaster response; at healthcare.

Binisita din ni Atayde ang Kongreso upang tanggapin ang kanyang Congressional Pin mula kay Secretary General Mark Llandro Mendoza.

Pormal na uupo si Atayde sa Kongreso sa Hulyo 2022 kung saan magiging abala siya sa unang limang panukalang batas na kanyang iaakda.

AUTHOR PROFILE