Default Thumbnail

Antipolo City kinilala sa TB screening

August 31, 2022 People's Tonight 361 views

KINILALA ng Department of Health (DOH) ang Lalawigan ng Rizal partikular na ang Antipolo City, dahil sa kontribusyon nito at sa dekalidad na pagsisilbi pagdating sa tuberculosis (TB) screening.

Humakot ng parangal ang siyudad, kung saan hinirang ang Antipolo City Health Office na “pinakamagaling sa TB screening sa lalawigan”.

Kabilang din sa mga nakuhang parangal ng Antipolo ang “Best Performing Facility in the National TB Control Program Implementation in the Province of Rizal for 2021”.

Bukod diyan, ay tinanghal din ang siyudad na “Top Performing Rapid TB Diagnostic Laboratories (RTDLs) in 2021 for GeneXpert Utilization”.

Ito ay para sa kabuuan ng lalawigan, para sa category na sa ilalim ng populasyon ng 300,000.

Nasungkit din ng Antipolo City government ang “Best Performing Facility in the National TB Control Program Implementation” sa kabuuan ng Probinsya ng Rizal.

Ang “Best GeneXpert Technician” sa probinsya ng Rizal ay nakuha rin ng taga-Antipolo.

Ang lalawigan naman ng Rizal naman ang “top performing in 2021 for TB Screening”.

Ang parangal ay kasabay ng paglulunsad ng DOH Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) ng iDOTS Phase 2 sa lalawigan ng Rizal.

Sumasailalim sa masusing training ang mga nurses para mas mapaigting ang kampanya laban sa Tuberculosis (TB) sa tulong ng mas pinabuting serbisyong medical.

“Tayo ay masigasig na lumalaban against TB. Tuloy “Lung” ang ating laban para TB ay matuldukan,” pahayag ni Antipolo City Mayor Casimiro “Jun” Ynares III.

AUTHOR PROFILE