P700K halaga ng ari-arian natupok sa sunog sa SSS

August 31, 2022 Melnie Ragasa-limena 182 views

SUMIKLAB ang isang sunog sa punong tanggapan ng Social Security System (SSS) sa East Avenue, Quezon City Linggo ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-2:05 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa electrical room ng SSS data center, na nasa ground floor ng main building.

Kaagad namang rumesponde ang mga bumbero upang apulain ang apoy.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na naideklarang fire out dakong alas-5:00 ng madaling araw.

Sa pagtaya ng mga otoridad, aabot sa P700,000 ang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.