Lacuna Nanumpa kay Manila Vice Mayor Honey Lacuna ang mga retiradong mga Antigong Pulis Maynila bilang bagong Non Government Organization (NGO) sa lungsod ng Maynila sa Session hall ng Manila City Hall. Kuha ni JON-JON REYES

Antigong pulis maynila nanumpa bilang NGO

October 6, 2021 Francis Naguit 291 views

GANAP ng kinilala ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila bilang lehitimong non-government organization (NGO) ang grupo ng “Antigong Maynila Mismo Inc.” na matagal ng nagkakaloob ng tulong pangkabuhayan at nag-aangat at bumubuo sa kalidad ng buhay ng maraming maralita.

Pinangunahan naman ni Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang panunumpa ng mga itinalagang opisyal ng nasabing samahan na isinagawa sa session hall ng Manila City Hall.

Sa ipinasang Resolution No. 135 Series of 2021 na inakda nina 5th District Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. Majority Floor Leader at 3rd District Councilor Joel Chua at Councilor Timothy Oliver Zarcal, nagkaisang sinang-ayunan ng mayorya ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na kilalanin bilang lehitimong NGO ang naturang grupo na karamihan ay binubuo ng mga retiradong opisyal ng Manila Police District (MPD), negosyante at abogado na may tanggapan sa gusali ng Morning Star sa kanto ng J. Bocobo at Pedro Gil sa Ermita, Manila.

Nakasaad sa resolusyon ang mga layunin ng samahan kabilang ang pagtugon sa bawa’t miyembrong humihingi ng tulong, patatagin ang pagkakaisa at pagkakaibigan ng bawa’t kasapi, pagtataguyod ng maayos na kabuhayan, kalusugan at pangangailangan ng bawa’t isa sa grupo, pakikiisa sa mga plano ng pamahalaan para sa implementasyon nito, paglikom ng pondo at pagtanggap ng donasyon mula sa pribado at pampublikong samahan, gumawa at sumunod sa magandang layunin ng organisasyon para sa pagpapatuloy ng buhay nito.

Sa nilagdaang pagpapasa sa resolusyon ni Acting Presiding Officer Louisito Chua ng ika-apat na distrito ng Lungsod ng Maynila, nakasaad na natugunan ng organisasyon ang lahat ng mga kinakailangang dokumento at nakasunod sa mga panuntunan kaya’t kuwalipikado ang grupo na kilalanin bilang lehitimo ang kanilang samahan.

Kabilang naman sa mga opisyal ng organisasyon sina Bonifacio Aporo bilang Pangulo; Antonio Jamito Vice President for Administration; Mario Magno bilang VP for Logistics; Jose Canares Jr. bilang VP for Operations; Ronald Andres bilang Corporate Secretary; Joana Marie Sebeldia, assistant secretary; Jose Asayo treasurer; Alicia Santos, assistant treasurer; Nicanor Aragon, auditor; Ofelia Torres, assistant auditor; Benny Wong, business manager; Belga Melgar, assistant business manager; Ramon Marques, PRO; at Eduardo Gonzales, Jesus Hidalgo, Emilio Nisperos at Romeo Balagtas bilang mga Sgt.-at-Arms.

Nagsisilbi naman na Board of Trustees sina Pedro Bulaong, Danilo Abarzosa, Nelson Yabut, Jose Asayo, Nazario Cueto Sr., Alfredo Opriasa, Arsenio Riparip, at Alberto Loresto. Ni na Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE