Anne

Anne, balik-pelikula sa 2023

December 22, 2022 Vinia Vivar 321 views

Matapos ang mahigit dalawang taong pamamahinga at pag-aalaga ng anak, balik na sa paggawa ng pelikula si Anne Curtis. Kinumpirma niya ito sa kanyang Twitter account.

Sinagot ni Anne ang tweet ng isang fan na humihiling na mag-drama na siya ulit. Ayon sa aktres ay handa na siyang magbalik.

“Hi Bye, Mama feels but seriously, wait na lang for next year. Ready na me,” sey ni Anne.

Taong 2019 pa ang huling acting project ni Anne via the movie, M&M: The Mall The Merrier with Vice Ganda.

Pagkatapos nito ay nagbakasyon na siya pansamantala para mag-focus sa kanyang pregnancy that time sa first baby nila ni Erwan Heussaff.

Kamakailan lang ay nagbalik na rin siya sa telebisyon bilang isa sa mga host ng It’s Showtime.

NETIZEN, TINABLA NI JANINE!

Sinagot ni Janine Gutierrez ang isang netizen na nagtanong kung buntis ba siya.

Nag-post kasi ang aktres sa kanyang Instagram ng larawan nila ni Paulo Avelino mula sa katatapos lamang na ABS-CBN Christmas Special 2022.

“Merry Christmas,” caption ni Janine.

Marami ang kinilig sa nasabing larawan nila ni Paulo at pinuri na malakas pa rin talaga ang chemistry nila.

“Sobrang bagay talaga kayo! Buti pa kayo simple lang hindi katulad nong dalawa napaka OA,” komento ng isang supporter.

Sabi naman ng isa pang fan, “Merry talaga kami this Christmas dahil din sa inyo. #PauNine salamat sa sorpresa.”

Pero may isang netizen nga nagtanong kung buntis ba siya. “(Preggy) ka ba? Bakit ang laki ng tiyan mo(?)”

In fairness, sinagot naman siya ni Janine.

“PMS bloat actually and I’ve been holiday eating since wala pang taping. It’s okay to enjoy the off season (smile) Diet na ulit after Christmas.”

Dagdag pa niya, “Sana masarap din kain mo this December (smile emoji).”

Agad namang nag-sorry ang nagtanong na netizen kay Janine

“I hope you don’t get mad at me. I hope you don’t mind my comment because I saw it in a post too. I thought you were pregnant. I’m really sorry. Merry Christmas,” ang paghingi ng paumanhin ng netizen.

AUTHOR PROFILE