Bistek

Annabelle, botong-boto sa special someone ni Ruffa

February 4, 2022 Ian F. Fariñas 392 views

“Walang ganap!” Ito ang sabi ni Ruffa Gutierrez nang matanong tungkol sa kanyang special someone sa Magandang Buhay guesting niya last Thursday.

Bagama’t hindi tinukoy kung sino ang special someone ni Ruffa, obvious naman sa conversation nila na si senatorial aspirant Herbert Bautista ito.

Sey ni Regine Velasquez, “Wait, hulaan ko, ‘yan ba ‘yung nakasama ko noong araw sa pelikula? Tumatakbo yata ulit ngayon, ano?”

Sagot ni Ruffa, “Tumatakbo sa Luneta!” Pero binawi rin niya, “Huy, pero mali, hindi pala sa Luneta, nationwide pala.”

As we all know ay tumatakbong senador si Bistek ngayong 2022 elections.

Then, she said, “To answer your question, walang ganap! Kasi kung saan-saan umiikot!”

Busy raw kasi ang kanyang special someone ngayon.

Dagdag pa niya, “I think, ang masasabi ko now, parang platonic siya. Para siyang mentor ko, ganu’n.”

Tanong ni Regine, “Gusto mo ba na medyo higitan pa ‘yung friendship?”

Sagot ni Ruffa, “I think, at this point, hindi pa muna, wala pa kami do’n. It’s more like he’s busy achieving his goals, I’m busy achieving mine. And one day, kung magtutugma ‘yun, why not, ‘di ba?”

Inamin din ni Ruffa na bet na bet ito ng mommy niyang si Annabelle Rama.

“Gustung-gusto ni mommy kasi silang dalawa, parang magkakampi, nasa bahay lang ako, nag-aaral, hindi ako naglalakwatsa.”

Ayon pa kay Ruffa, matagal-tagal na rin daw siyang hindi nag-i-entertain ng Pinoy men. As we all know ay foreigner ang kanyang last boyfriend.

DEREK, ‘RETIRED’ SA PAG-AARTISTA

Inanunsyo ni Derek Ramsay na retired na siya sa paggawa ng acting projects. Ibig din kayang sabihin nito ay hindi na siya mag-aartista?

Sa kanyang Instagram account ay may nagkomento kasi sana ay magkaroon na siya ng project sa GMA-7.

Sinagot naman ito ni Derek ng “retired.”

Well, afford naman talaga ng aktor na hindi mag-artista at mabubuhay pa rin siya nang maayos dahil may kaya ang kanyang pamilya, gayundin ang asawa niyang si Ellen Adarna.

Besides, may sinimulan silang business ni Ellen recently at marahil ay dito na lang sila magko-concentrate.

Matatandaang may nagtanong kamakailan kay Ellen kung may prenuptial agreement sila ni Derek and although hindi niya ito sinagot nang direkta, mukha namang wala dahil sey niya, “Hindi ako lugi kay Derek, hindi rin lugi si Derek sa akin, so patas ang show.”

AUTHOR PROFILE