Diether

Diether, sugatan sa pagsalpok sa dump truck

February 4, 2022 People's Tonight 346 views

SUGATAN ang actor-businessman na si Diether Ocampo nang bumaangga ang kanyang SUV sa nakaparadang dump truck sa kahabaan ng Osmeña Highway kahapon ng madaling araw.

Sa video sa report ng GMA Balitanghali, hirap ang rescuers na maialis ang aktor sa harapan ng sasakyang mimamaneho.

Ayon sa interview ng isang imbestigador, amoy alak si Diether at nakaparada ang truck dahil kumukuha ng basura.

As of presstime, wala pang update sa kalagayan o maging pahayag mula sa aktor.

Kasalukuyan siyang nagpapagaling sa Makati Medical Center.

ON-OFF RELATIONSHIP, NAUWI SA KASALAN

NAUWI sa kasalan ang on-and-off relationship ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin sa girlfriend niyang si AC Banzon last February 3 sa isang civil rites sa Capas, Tarlac.

Teenager pa lang sina Kristoffer at AC nang magkarelasyon at magkaanak. Matagal bago inilabas sa publiko ni Kristoffer ang anak.

Naghiwalay sila, nagpalitan ng maaanghang na salita sa kani-kanilang social media account pero eventually ay nagkabalikan na rin at ngayon nga ay kasal na.

Present sa kasalan ang limang taon nilang anak na si Precious Christine.

Naiyak naman si Kristoffer habang ikinakasal kay AC. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE