Heart

Heart, inamin ang proyekto sa Netflix

February 4, 2022 Ian F. Fariñas 369 views

LIMANG taon nang rumarampa si Heart Evangelista sa Paris Fashion Week pero para sa kanya, ang pandemic attendance niya ang pinaka-overwhelming, so far.

Sa virtual mediacon kahapon para sa finale week ng kanyang Kapuso series na I Left My Heart in Sorsogon, sinabi ng fashionistang aktres na isa ang recent Paris trip niya sa kanyang pinakapaborito.

Feeling ng kapareha nina Richard Yap at Paolo Contis na lahat ng naitanim niya sa previous PFW trips ay ngayon pa lamang tumutubo.

Malaking tulong, ani Heart, na nakapag-establish siya ng friendship at personal relationship sa international fashion icons gaya ni Christian Louboutin dahil lumawak ang kanyang clout.

“Nabulabog ako” ang description ni Heart sa naging reception ng netizens sa lahat ng litrato ng OOTDs niya sa Paris.

As we all know, parte na rin ang aktres ng pamilya ng signature brand na Christian Dior.

Hindi rin daw in-expect ni Heart ang lahat ng nangyari dahil sa totoo lang, nahirapan din siya bilang kauna-unahan itong biyahe na mag-isa siya.

Pero aniya, maging authentic ka lang sa sarili mo at siguradong ’yun ang makikita ng mga tao at du’n ka magsa-succeed.

Anyway, kahit with finality na ang sinabi niya na huling teleserye na niya ang Sorsogon, eh, bukas naman siya sa paggawa ng TV specials at pelikula, depende kung sino ang magiging leading man niya at kung worth it ang istorya.

Sa ngayon, wala raw career plan na sinusunod si Heart although inamin niya na meron nga siyang ginawang proyekto para sa Netflix na hindi niya alam kung kailan maipalalabas.

“Kung saan lang ako dalhin du’n ako pupunta,” rason ni Heart.

AUTHOR PROFILE