Angelica1

Angelica sa ama ng anak: Sa korte na lang kami magkita!

February 26, 2024 Vinia Vivar 123 views

Hindi napigilang maging emosyonal ni Angelica Jones sa grand mediacon ng romantic-comedy film na “When Magic Hurts” nang matanong tungkol sa problemang pinagdadaanan niya sa ama ng kanyang 10-year-old son na si Angelo Alday.

Ayon sa aktres, hanggang ngayon ay hindi pa rin kinikilala ng dating karelasyon ang kanilang anak. Up to now ay hindi pa rin nito pinipirmahan ang birth certificate ng bata.

Graduating na ng Grade VI ang kanilang anak at hindi ito makaka-graduate kung walang birth certificate.

Noong nakaraang Biyernes ay iyak nang iyak ang kanilang anak dahil dito at kung pwede lang niyang akuin ang sakit na nararamdaman ng anak ay gagawin niya.

“Last night, nu’ng makita kong durog na durog ang kalooban ng anak ko, umiiyak siya, sabi ko sa kanya, ‘sige, iiyak mo na lang ‘yan, ilabas mo lang ‘yan and then talk to God.’ Dinala kp siya sa altar, and ‘magdasal ka, iiyak mo lahat sa Kanya,’” saad ni Angelica.

Sa ngayon ay pinaplano na niyang kausapin ang kanyang abogado para makapagsampa ng kaukulang kaso laban sa ama ng kanyang anak.

“Kung noon pong nagbubuntis pa lang ako, hindi ako nagdemanda, mas pinili ko ang magpatawad, mas pinili ko ang manahimik, to forgive and forget and love, for peace of mind, but now, para sa anak ko, hinding-hindi ako papayag na masaktan at umiyak ang anak ko. So, sa korte na lang kami magkikita po,” pahayag ni Angelica.

Matatandaan na sa first presscon ng “When Magic Hurts” noong August, 2023 ay naglabas na ng hinaing si Angelica sa press tungkol sa ama ng kanyang anak.

Aniya ay hindi pa nakikita ng anak niya ang ama nito simula nang isilang at nang minsang puntahan nila ito sa Batangas ay hindi nito hinarap ang bata.

Samantala, on the lighter side of things, bukod sa kanyang anak ay naka-focus din si Angelica sa kanyang showbiz career at time out muna niya sa politics.

Sa “When Magic Hurts” ay ginagampanan ni Angelica ang ina ng karakter ng bidang si Beaver Magtalas. Kasama rin sa pelikula sina Mutya Orquia, Maxine Trinidad, Claudine Barretto, Dennis Padilla at marami pang iba mula sa direksyon ni Gabby Ramos.

AUTHOR PROFILE