Jo

Set ng bagong Kapuso network, bantay-sarado ng mga abogado

February 26, 2024 Vinia Vivar 101 views

Ayon kay Jo Berry, paulit-ulit at hindi siya mapapagod magpasalamat sa napakalaking opportunities na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

Mula nang mag-umpisa siyang mag-artista, puro lead roles nga naman ang ibinibigay sa kanya ng Kapuso network, ang latest of which ay ito ngang “Lilet Matias: Attoryney-At-Law,” na magsisimula na sa March 4.

“’Yun po, unang-una, palagi ko pong sinasabi sa mga interview ko sa inyo na sobrang grateful po ako sa chance na ibinigay sa akin ng GMA at sa tiwala na hanggang ngayon, binibigyan nila ‘ko ng title roles,” sey ni Jo sa presscon ng bagong serye.

“And napakaganda rin po, empowering siya. Sobrang grateful po ako and paulit-ulit ko po sigurong sasabihin sa inyo ‘yon. At wala rin naman ako rito kung hindi nila ko binigyan ng mga roles na ‘yon,” dagdag niya.

Pero nakaka-deliver din naman si Jo dahil ang mga serye niya ay pawang mga nagre-rate kaya patuloy din ang tiwala sa kanya ng network.

Tulad nga nitong bago niyang serye, pinaghandaan niya ito pati na rin ng ibang cast. Dahil nga legal series ito na tatalakay sa mga legal case, talagang sumailalim sila sa immersion para masigurong maiaarte nila nang tama ang mga eksena.

“Nag-attend kami ng totoong hearing with the production team and Direk Adolf (Alix Jr.) para maranasan po namin kung paano talaga ang mga nangyayari sa korte,” sey ni Jo.

“Pinapanood kami ng maraming series with guidance. Ang writers po namin, gina-guide din ng lawyers. Meron kaming attorney every time na may eksena kami sa court para mapangalagaan ‘yung bawat word, ma-sure na tama,” she added.

Magsisimula na sa March 4, 3:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime ang “Lilet Matias: Attorney-At-Law.”

Also in the cast are Sheryl Cruz, Bobby Andrews, Jason Abalos, EA Guzman, Analyn Barro, Zonia Mejia, Hannah Arguelles, Joaquin Domagoso, Lloyd Samartino and Troy Montero.

AUTHOR PROFILE