Angelica

Angelica, inanunsyo ang pagbubuntis

March 21, 2022 Vinia Vivar 616 views

Angelica1Nagdadalangtao na si Angelica Panganiban. Ito ang inanunsyo mismo ng aktres sa kanyang Instagram kahapon, Sunday.

Nag-post ng ilang larawan si Angelica kabilang na ang sonogram ng first baby sa kanyang sinapupunan.

Bakas ang kasiyahan ni Angelica sa caption: “Ay! Na post!!

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu may pamilya na ko kaiyaq pramis,” ang caption ng aktres.

May video ring ibinahagi si Angelica ng kanyang sonogram kung saan ay maririnig ang boses niya na parang naiiyak na natutuwa habang tinitingnan ang galaw ng baby sa video.

Umapaw naman sa comment section ang pagbati ng netizens at mga kaibigan sa industriya kabilang na sina Vhong Navarro, Mariel Rodriguez, Marian Rivera, Sarah Lahbati, Pauleen Luna, Lotlot de Leon, direk Antoinette Jadaone, Ria Atayde, Camille Prats, Jolina Magdangal, Barbie Imperial, Maja Salvador, Janine Gutierrez, ang mga bff na sina Kim Chiu at Glaiza de Castro at marami pang iba.

Lahat sila ay masaya para kay Angelica.

Of course, ang ama ng kanyang ipinagbubuntis ay walang iba kundi ang non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan.

Wala pang binanggit ang aktres kung ilang months na siyang preggy pati na ang iba pang detalye sa kanyang pagbubuntis.

Congrats, Angelica!

AUTHOR PROFILE