Angel

Angel, pumalag sa imbentong akusasyon ng netizen

November 23, 2021 Vinia Vivar 349 views

Hindi inurungan ni Angel Locsin ang basher na nagkomento ng hindi maganda tungkol sa kanyang pagkatao.

Sa Instagram post ng ABS-CBN News tungkol sa balitang sinampahan ng U.S. prosecutors ng kasong sex trafficking si Apollo Quiboloy, sa comment section ay nagbigay ng reaksyon si Angel.

“Minor = Rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita,” ang reaksyon ni Angel sa comments section.

May netizen na sumagot at inakusahan si Angel na dating tumatakas sa taping para makipagkita sa boyfriend.

“@therealangellocsin Ay wow. Malinis ka? E diba ikaw yung tumatakas sa taping dati sa GMA para makipagkita sa dyowa mo at makipagdyugyugan? Tanong pa natin si Valerie Concepcion,” sabi ng basher.

Inalmahan ito ni Angel at sinabihan ang basher na huwag mag-imbento.

“huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan. Tag ko pa si @v_concepcion o 🙂 hindi ko ikamamatay yang chismis mo (smiling face with smiling eyes emoji) mag dasal ka,” matapang na sagot ni Angel.

Maging si Valerie ay sumagot din at pinayuhan si Angel na huwag na itong pansinin.

“Naku mare @therealangellocsin. Obvious na troll lang yang ____ na yan. Wag mo na lang pansinin. Ang layo sa issue ng comment eh.. Mema lang,” komento ni Valerie.

FAKE NEWS, PINUNA

Si Joey de Leon nga ang naririnig na boses sa infomercial nina Presidential aspirant Senator Ping Lacson at kanyang runningmate na si Senate President Tito Sotto.

Sa unang labas pa lang ng infomercial ay nabosesan na ng mga tao si Joey na siyang nagna-narrate kahit na nga hindi siya nakikita.

Of course, ang pagpayag na ito ni Joey na maging boses sa infomercial ay pagpapatunay ng kanyang all-out support sa Lacson-Sotto tandem.

Matatandaan kasing may lumabas noon sa social media na in-edit na larawan ni Joey at pinekeng caption na pinapalabas na ibang kandidato na ang iniendorso ng Eat Bulaga host.

Kaya naman nag-post ng maigsing pahayag si Joey para punahin ang naturang fake news at manindigan sa kanyang suporta sa tamabalang PiTo o Ping-Tito.

Anyway, marami naman ang nagandahan sa infomercial nina Sen. Ping and Tito Sen na may titulong “Tapusin Ang Lagim, Yakapin Ang Liwanag.”

AUTHOR PROFILE