Gerald

Tambalang Gerald-Gigi at Seth-Andrea, buwena mano ng ABS-CBN-iQiyi partnership

November 23, 2021 Ian F. Fariñas 224 views

SethdreaInanunsyo ng nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN at global streaming service na iQiyi ang kanilang pagsasanib-puwersa para itaguyod ang mga kwento at talento ng Pilipino sa pamamagitan ng mga orihinal na produksyong ilulunsad nila para sa subscribers ng iQiyi sa buong mundo.

Nanguna sa naganap na pirmahan kahapon, November 23, sina ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes at iQiyi Philippines country manager Sherwin Dela Cruz, kasama sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at iQiyi Philippines marketing supervisor Andrea Reyes.

Kabilang sa kanilang ginagawang serye ang Saying Goodbye ng tambalang Seth Fedelin at Andrea Brillantes, Hello, Heart, na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Gigi de Lana, at Lyric and Beat, na mga unang local originals ng iQiyi sa Southeast Asia.

AUTHOR PROFILE