Paolo

Paolo at Yen ‘di na maitago ang relasyon

November 24, 2021 Aster Amoyo 573 views

EX-PBB housemate-turned actress Yen Santos is said to be in a relationship now with Kapuso actor, ang Fil-Italian na si Paolo Contis. Ang dalawa ay huling naispatan na magkasama sa isang dinner date (by the sea) celebrating Yen’s 29th birthday last Saturday, Novemer 20.

Si Yen ang itinuturong third party ng paghihiwalay nina Paolo at ang partner nito of five years, ang Starstruck alumna-turned Kapuso actress na si LJ Reyes kung kanino may almost three-year-old daughter ang actor na si Summer Ayana.

Matapos maghiwalay sina Paolo at LJ ay lumipad ang huli patungong New York City, USA bitbit ang panganay na anak (sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino) na si Aki at anak nila ni Paolo na si Summer. Hanggang ngayon ay nasa New York pa rin ang mag-iina.

Taong 2012 nang magkahiwalay ang dating mag-asawang Paolo at Lian Paz (dating miyembro ng EB Babes ng “Eat Bulaga”) at nagkaroon sila ng dalawang anak na parehong babae, sina Xonia (12) at Xalene (11). Ang dalawang bata ay dinala ni Lian sa Cebu where she got reunited with her former teen friend, ang cager-businessman na si John Cabahug. Ang dalawa ay mahigit walong taon na ngayong magkasama at meron na rin silang anak, ang almost six years old na si Nina Angela na isinilang nung January 10, 2016. Si John ay meron ding isang anak na babae na si Maria Alexandra or Lexi sa dati nitong karelasyon,

Magmula nang magsama sina Lian at John sa Cebu ay ang huli na ang tumayong second father nina Xonia at Xalene. Ang dalawang bata ay very close kina Lexi at Nina.

Pagkalipas ng halos siyam na taong pagsasama, nag-propose si John ng marriage kay Lian nung February 23, 2021 pero ang pagpapakasal ng engaged couple ay kinakailangan pang maghintay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin annulled ang kasal ni Lian kay Paolo na hindi rin puwedeng makasal sa ibang babae.

LuisPamangkin ni Sen. Risa naghuhubad sa pelikula

JUST like other newbies in showbiz, ang ex-PBB housemate-turned actor at pamangkin ni Sen. Risa Hontiveros na si Luis Hontiveros ay hindi rin naiwasan ang pagpapa-sexy tulad sa kanyang latest movie under Viva Films, ang “Palitan” na dinirek ng premyadong director na si Brillante Mendoza at tinatampukan din ng iba pang sexy actors na sina Cara Gonzales, Jela Cuenca at Rash Flores. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang mapanood on Vivamax app simula sa darating na December 10, 2021.

Ang “Palitan” ay mula sa panulat ng Palanca award-winning screenwriter na si Honeylyn Joy Alipio na siya ring nagsulat ng ilang internationally-acclaimed screenplays tulad ng “Taklub” at “Mindanao”. Ang “Taklub” ay nakapag-uwi ng Prize of the Ecumenical Jury award sa Cannes Film Festival nung 2015 habang ang “Mindanao” ay nakatanggap ng dalawang awards mula sa 41st Cairo International Film Festival bukod sa local awards. Both award-winning movies were produced and directed by Direk Brillante under his own Centerstage Productions.

Matagal nang nag-usap sina Boss Vic (del Rosario), big boss ng Viva at si Direk Brillante tungkol sa paggawa ng huli ng movie sa Viva at ito’y naisakatuparan sa pamamagitan ng “Palitan” na isang GJ (girl’s love) movie.

Ang “Palitan” ay isa lamang sa nakatakdang film projects ni Direk Brillante sa Viva Films.

JolinaJolina at Mark sampung taon na

SAMPUNG taon nang kasal ang mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta and the couple is blessed with two lovely kids na sina Pele (7) at Vika (3).

Sina Jolina at Mark ay dalawang beses ikinasal, una, nung November 19, 2011 sa isang garden wedding na sinundan ng kanilang church wedding two days later nung November 21. The couple celebrated their 10th anniversary recently.

Ang singer, actress at host na si Jolina ay nakilala nang husto sa bakuran ng ABS-CBN at sa kanilang tambalan noon ni Marvin Agustin na isa nang successful restaurateur ngayon. Si Mark ay isa sa founding members ng sikat na Pinoy rock band na Rivermaya kasama ng frontman, singer, musician, composer at record producer na si Rico Blanco.

Daniel stressed dahil sa pagkandidato ng mga magulang

HINDI ikinakaila ng young heartthrob na si Daniel Padilla (26) na hindi niya maiwasang ma-stress nang mag-desisyon ang kanyang estranged parents na sina Karla Estrada at Rommel Padilla na parehong mag-file ng kanilang magkahiwalay na kandidatura sa darating sa 2022 elections.

Si Rommel ay susubok sa pagiging kinatawan ng unang distrito ng Nueva Ecija habang si Karla naman bilang 3rd nominee ng partylist group na Tingog Sinirangan kung saan si Rep. Yedda Romualdez ang first nominee.

Kung tutuusin ay napaka-kumportable na ng buhay ngayon ni Karla hindi lamang bilang singer-actress at entrepreneur kundi bilang isa sa mga host ng daily morning program na “Magandang Buhay” na pinagsasamahan nila nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Kapag bumalik na sa normal ang kampanya (starting March for local candidates), tiyak na maglalagare si Daniel sa kanyang suporta sa kanyang mga magulang. Bukod dito, tumatakbo rin sa pagka-senador ang uncle ni Daniel na si Robin Padilla na kailangan din niyang suportahan. Inaasahan din ang suporta sa kampanya ng kasintahan ni Daniel na si Kathryn Bernardo.

Ang magkasintahang Kathryn at Daniel ay busy ngayon sa taping ng kanilang bagong serye sa Kapamilya network, ang “Too Good To Be True” na nakatakdang ipalabas sa unang quarter ng 2022. Ang hottest loveteam ng bansa ay inaasahan ding gagawa ng bagong movie sa susunod na taon.

JoshuaJoshua naiipit kina Charlie at Jane

WALANG alinlangan na ang ex-PBB housemate-turned actor na si Joshua Garcia ang isa sa pinakaabalang young actor sa bakuran ng ABS-CBN. Kasalukuyang tumatakbo sa primetime ang “Viral Scandal” na pinagtatambalan nila ng award-winning actress na si Charlie Dizon at siya rin ang love interest ni Jane de Leon sa action-fantasy TV series na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pinamamahalaan ni Chito Rono na nagsimula nang magtaping last November 15. Tampok din dito sina Janella Salvador (as Valentina), Iza Calzado (as the original Darna and mother of Narda), Zaijan Jaranilla (as Ding) at iba pa.

Kanino kaya sa dalawang bagong kapareha na sina Jane at Charlie puwedeng ma-in love si Joshua na single pa rini ngayon since his break-up with ex-girlfriend Julia Barretto in April 2019?

Si Joshua ay isa na ring negosyante sa tulong ng kanyang business partner, ang actor-entrepreneur na si Enchong Dee.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE