Princess

Ang buhay ni Princess sa Amerika

April 17, 2022 Aster Amoyo 68 views

EASTVALE, California – Matapos maging miyembro ng American Screen Actors Guild ang L.A.-based Filipino actress na si Princess Punzalan, hindi na ito makakagawa ng TV o movie project sa Pilipinas dahil isa ito sa mga panuntunan ng guild.

Princess is being represented in the U.S. by her American agent na si Aileen Beilein at talent manager na si Brandon Cohen.

In the U.S., ang acting workshop is a continuing thing. Tuluy-tuloy din ang kanyang audition para sa iba’t ibang role pero suwertehan lang talaga kapag ikaw ay nakuha for casting dahil napakarami ang nag-a-audition for a certain role. Bukod kasi sa husay sa acting, kailangan fit sa role ang look na hinahanap for a certain character kaya parang dadaan ka sa butas ng karayom bago maisali sa final casting ng isang project. But Princess is not one to give up.

Princess is thankful sa kanyang American husband, ang businessman na si Jason Field sa pagiging supportive nito sa kanyang career, the very reason kung bakit sila nag-move sila mula Connecticut to California, una sa San Diego then sa Los Angeles.

Princess met and married her second husband in the Philippines. Nagpakasal sila in civil rites in Cavite nung May 5, 2005 and got married in church nine days later nung May 14, 2005 and eventually moved to the U.S. Una silang nag-settle in Michigan, then Connecticut at ngayon ay nasa L.A. na sila naka-base to follow her American dream na mapasok ang Hollywood,

While waiting for her chance to get cast in TV and movie projects in the U.S., si Princess ay nag-aral ng nursing and passed the board. One year siyang nagtrabaho sa Presbyterian Medical Center and moved sa pagiging isang hospice nurse or visiting nurse para may oras siya sa kanyang almost eight-year-old daughter na si Ellie sa kanyang husband na si Jason and other household chores.

Aminado si Princess na malaking challenge sa kanya at pamilya ang pandemic. It was only last year nang unti-unting magluwag ang Amerika and almost back to normal na ang lahat.

“It was the most challenging part for everyone here in America,” pag-amin ni Princess.

Kumusta naman si Princess with her ex-husband na si Willie Revillame? “We’re okey. In fact nagkita pa nga kami the last time I was in Manila nung January 2020,” aniya.

“We separated amicably kaya walang problema sa aming dalawa. We’re still friends,” dugtong pa niya.

Ayon kay Princess, mag-asawa pa umano silang dalawa nang sabihan niya si Willie na sisikat siya nang husto. Naglalakad umano sila noon sa parking ng SM Megamall nang bigla niyang sabihan ang dating mister sa kanyang naramdaman noon. Naalaala umano ito ni Willie at tinawagan niya ang dating misis para pasalamatan dahil nagkatotoo ang sinabi nito sa kanya.

“I am happy for him,” pahayag ni Princess tungkol sa dating mister.

Hindi ikinakaila ni Princess na nami-miss umano niya ang kanyang pamilya, mga kaibigan at tapings sa Pilipinas. Hindi umano siya updated sa mga kaganapan sa Pilipinas dahil wala umano siyang TFC or GMA Pinoy TV subscription unlike when she was in Connecticut.

“It is actually my choice na hindi mag-subscribe kasi marami akong napapabayaang trabaho dahil nawiwili akong manood sa TV,” pag-amin niya.

“Mahirap kasi balansehin ang lahat when you are a working mom,” dugtong pa niya.

She goes to work pagkahatid niya sa kanyang anak sa school at siya rin ang susundo rito after a three-hour work then haharapin na niya ang kanyang ibang trabahong bahay.

Hindi rin ikinakaila ni Princess that it took her sometime para makapag-adjust sa kanyang buhay sa Amerika dahil ibang-iba umano ang buhay rito kumpara sa Pilipinas pero ngayon ay adjusted na umano siya after living in the US for almost 17 years now.

After doing “Yellow Rose” ay nakagawa rin si Princess ng ilang short films at kasama na rito ang “The Gift”.

Umaasa ang aktres na makakagawa rin siya ng pelikula na mapapanood ng kanyang mga kababayan sa Pilipinas maging sa iba pang bansa. Hindi rin umano siya tumitigil sa pag-a-audition until the right project comes along. She’s also planning of coming out with her vlog focusing on Oversears Filipino Workers (OFW).

AUTHOR PROFILE