Andrea nagiging dahilan ng breakups?

November 28, 2023 Aster Amoyo 194 views

Andrea1Andrea2TWENTY years old pa lamang ang dating childstar now Kapamilya youngstar, successful vlogger, celebrity endorser at star ng hit primetime series na “Senior High” na si Andrea Brillantes pero siya ngayon ang nasa sentro ng kontrobersiya.

Si Andrea ang itinuturong dahilan umano ng `break-up’ ng longtime na magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla maging sa break-up nina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Sina Andrea at Elijah ay magkasama sa “Senior High” TV series.

Pare-parehong mga Kapamilya stars sina Kathryn, Daniel, Andrea at Elijah kaya kailangan dito ng agarang `damange control’ lalupa’t pinapalabas sa mga balita na si Andrea and `bad girl’.

Sa totoo lang, napakabata pa ni Andrea {20) para makaranas sa ganitong klaseng kontrobersya.

Mavy at Kyline hiwalay na?

GAANO kaya katotoo ang balitang nasagap namin na hiwalay na rin umano ang magkasintahang parehong Kapuso youngstars na sina Mavy Legaspi (22) at Kyline Alcantara (21)?

Kaya sila ay kabilang na rin sa listahan ng break-up celebrity couples bago pa man magtapos ang taong kasalukuyan at bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon.

Nakakalungkot naman kung ito’y totoo.

May balita ring nakarating sa amin na hindi umano ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto ang tunay na boyfriend ng kakambal ni Mavy na si Cassy Legaspi kundi isa umanong Kapuso actor. Si Darren ay best friend lamang umano ni Cassy.

Ganun?

Kim dahilan daw ng breakup nina Janine at Paulo?

PauloKimANG isa pang napapabalitang break na umano ay sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino at si Kim Chiu naman ang itinuturong dahilan.

Napapabalita ring hiwalay na rin umano ang magkasintahang Kim at Xian Lim at ayaw magsalita ng dalawa na may kinalaman sa kanilang alleged break-up.

Sina Kim at Paulo ay magkasama sa hit primetime series na “Linlang” at muling magkasama sa bagong serye ng ABS-CBN at Viu, ang local adaptation ng 2018 Korean hit TV series na “What’s Wrong with Secretary Kim?”.

Mukhang dumarami ang listahan ng nagbi-break ngayong taon.

Lotlot naiyak nang tanggapin ang best actress trophy ni Janine sa The Eddys

RheaRhea1NAGING emotional ang mahusay na actress na si Lotlot de Leon nang siya ang personal na tumanggap sa Best Actress trophy ng kanyang panganay na anak (sa kanyang ex-husband, ang singer-actor na si Ramon Christopher) ang Kapamilya singer, actress, host na si Janine Gutierrez for the movie “Bakit Di Mo Sabihin?” sa katatapos pa lamang na 6th EDDYS Choice Awards ng Society ng grupong SPEEd (Entertainment Editors of the Philippines na ginanap sa Aliw Theater nung nakaraang linggo, November 26 ng gabi. Ito’y hindi dahil sa balitang break na rin umano sina Janine at Paulo kundi dahil sa pagkakapalo ng kanyang anak ng Best Actress trophy na matagal din niyang pinangarap na makamit.

Mailap man ang Best Actress trophy kay Lotlot, nakuha naman ito ng kanyang anak kaya super proud siya bilang ina.

Nung isang taon (2022) ay si Lotlot ang tinanghal na Best Supporting Actress for the movie “On The Job: The Missing” ng 5th EDDYS Choice Awards kaya dalawang magkasunod na taon siyang umakyat ng entablado.

Masaya man ang puso o hindi ng kanyang anak, nariyan umano siya bilang ina para suportahan ang kanyang anak at iba pa nilang mga anak ng dati niyang mister na si Ramon Christopher.

Rhei may mga babaguhin sa Beautederm

Rhea2HINDI ikinakaila ng `birthday girl’ at lady boss ng Beautederm na si Rhea `Rei’ Anicoche-Tan kung gaano siya kasaya sa muling pagbabati ng dalawa sa itinuturing niyang malapit sa kanyang puso na sina Manay Lolit Solis at Bea Alonzo na nangyari mismo sa kanyang recent birthday celebration with the entertainment media and vloggers na ginanap sa ballroom ng Luxent Hotel nung nakaraang November 25, isang araw before her actual birthday nung November 26 which was also a working birthday sa kanya dahil dumalo pa siya sa 6th EDDYS Choice Awards night bilang major presentor ng event.

Itinuturing niyang nanay-nanayan si Manay Lolit habang si Bea naman ay isa sa mga prized brand ambassadors ng Beautederm now numbering to about a hundred or more.

Sa isang taon ay plano ng president at CEO ng Beautederm na rebisahin ang listahan ng mga brand ambassadors ng Beautederm kung sino sa mga ito ang tanggalin (for various reasons) at kung sinu-sino pa ang madadagdag na mga bagong miyembro ng kanyang lumalaking pamilya ng celebrity endorsers.

In her 14 years in the business, marami na ring pinagdaanan at natutunan ang young successful entrepreneur at kasama na rito ang pakikisalamuha at pakikisama sa iba’t ibang klase ng tao at hindi rin umano nawawala ang mga disappointments na itinuturing niyang part and parcel ng kanyang pagiging isang successful businesswoman.

“Hindi parati smooth-sailing ang takbo ng buhay. Dadaan din tayo sa mga bumpy roads ng ating buhay,” pagbabahagi pa ng ever generous and amazing lady na si Rei.

“Pero ang mga karanasahan natin sa buhay ang siyang nagpapatibay sa atin bilang tao. We have a lot of learnings sa mga pinagdadaanan natin,” dugtong pa niya.

“And nothing is permanent in this world,” diin pa niya.

Hitmakers nakuha ang ‘kabastusan’ ni Rico J

HitmakersHitmakers1Hitmakers2NAGING matagumpay ang series of concerts hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ng Hitmakers na binubuo ng mga music icons na sina Hajji Alejandro, Nonoy Zuniga, Rey Valera at Marco Sison. Muli silang babalik sa concert stage ngayong Biyernes, December 1, 2023 at 8 p.m. sa The Theater at Solaire billed as “Hitmakers: XXceptional (The 20th Anniversary)”. Ito ang ika-20th anniversary ng grupo na binuo ng namayapang “Total Entertainer” na si Rico J. Puno in year 2000.

Ayon sa concert producer na si Pops Fernandez ng DSL Productions kasama ng Dream Wings Productions na pinamumunuan ng successful businesswoman, concert and movie producer na si Flor Santos), ibang Hitmakers ang mapapanood sa kanilang 20th anniversary concert dahil bukod sa kanilang respective hit songs, marami silang mga bagong kanta na kasama sa kanilang repertoire na hindi pa nila nakakanta before. Ito’y bukod pa sa kanilang special tribute sa kanilang namayapang kasamahan na si Rico J. Puno plus two new compositions ni Rey Valera which he wrote for the concert.

Ang maganda sa grupo, they do not only sing and perform kundi hitik din ito ng mga nakakatawa nilang spiels na ipinamana sa kanila ni Rico J. laluna ang green jokes. There is no dull moments sa Hitmakers concert lalupa’t may participation din si Pops na itinuturing na Concert Queen din.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE