Andrea

Andrea, dedma sa isyu kay Daniel

November 27, 2023 Vinia Vivar 252 views

Sobra umanong nae-enjoy ni Andrea Brillantes ang season na ito ng life niya na single at walang boyfriend.

“Sobrang saya, ang gaan, less problematic, I guess,” sey ni Blythe sa latest interview with Cinema News.

“Hindi naman sa ambigat nu’ng before but iba kasi kapag ikaw lang at iisipin mo, sarili mo lang din. At ang comments lang din ng tao is more on you. Iba siya,” paliwanag pa ng aktres.

Mas maluwag para sa kanya na walang boyfriend dahil marami siyang time for herself.

“Mas maluwag lang for me at mas marami akong time for me. Wala akong time pero lahat na ng time ko is for me,” aniya.

Ngayon, lahat ng ginagawa niya ay para sa sarili lang niya.

“Wala rin akong oras pero at least, lahat ng ginagawa kong ito, para sa akin,” sambit niya.

Thankful din si Blythe na kahit solo na siya at walang ka-loveteam ay tinanggap siya ng mga tao.

“Unfortunately, marami pong nagso-solo artist, solo karera, pero it doesn’t really click or sometimes, it doesn’t work.

“So, maraming salamat sa lahat ng sumusuporta sa akin dito at mas nagmamahal, mas minahal pa ‘ko, mas sinuportahan pa nga ako ng iba nu’ng nagsolo ako,” sey niya.

Samantala, mukhang dedma lang si Blythe sa lumalabas na issue ngayon tungkol sa kanila ni Daniel Padilla dahil hindi nila ito napag-usapan at all.

AUTHOR PROFILE