Andrea Larawan: Andrea Brilliantes/IG

Andrea Brillantes, dinogshow

February 7, 2024 People's Tonight 158 views

HINDI nakaligtas sa pambabatikos ang aktres na si Andrea Brillantes matapos pinaulanan ng batikos mula sa netizens ang kanyang bagong upload na larawan.

“Glowing love symbol,” ang maikling caption ng aktres sa kanyang Instagram post, Pebrero 6, kalakip ang mala–dyosang larawan kung saan makikita ang kanyang pinkish face, bold lashes, kissable lips, at nangungusap na mga mata.

Puring-puri naman ang naturang post ng aktres, pero nangibabaw ang galit ng mga netizen dahil sa mga isyung kinasasangkutan nito.

“Wala man lang nag-cocoment sa celebrity, walang may gusto sa attitude mo. Lande kasi, relationship wrecker,” komento naman ng isang user.

“Wala talagang pa-plastik sa kanya kasi ayaw na talaga siyang kausapin at natatakot baka mamaya pati jowa nila agawin, duh gumising kayo ilang breakups pa ba ang mangyayari dahil sa kanya. Kabata bata,” dagdag pa nito.

AUTHOR PROFILE