Andrea at Ricci matagal nang nagdi-date
THEY were already dating when actor and UP Fighting Maroons basketball player Ricci Rivero (24) asked Kapamilya teen star Andrea Brillantes (19) to be his girl officially at the `do or die’ championship games between Ateneo Blue Eagles and UP Fighting Maroons kung saan ang huli ang tinanghal na champions pagkaraan ng 36 years.
Bago naging magkasintahan ang dalawa ay naging boyfriend ni Andrea ang ex-PBB housemate at co-star sa TV series na “Kadenang Ginto” na si Seth Fedelin sa loob ng dalawang taon. Sa nasabing serye nabuo ang “Gold Squad” kung saan din nila kasama sina Francine Diaz at Kyle Echarri.
Si Ricci ay na-link naman noon sa Kapamilya young actress na si Sharlene San Pedro.
Magmula nang magsimula ang Season 84 ng UAAP ay naging visible na si Andrea sa mga games ng UP Fighting Maroons kung saan kasama si Ricci and there were even times na nakasuot siya ng jersey shirt bearing Ricci’s number 25.
Ricci is 6’1” habang si Andrea ay hindi gaanong katangkaran.
Unang nakita ang celebrity couple in a restaurant sa Taguig City last February and from then on ay tila inseparable na ang dalawa.
Ricci celebrated his 24th birthday last May 25 at hindi nagpabaya ang kanyang girlfriend sa pagbati sa kanyang Instagram account.
Samantala, tila hanggang pagiging magka-loveteam lamang sa “Kadenang Ginto” ang tambalan nina Francine Diaz at Kyle Echarri dahil nagpakita ang huli na ibang girl ang kanyang type bagay na ikinalungkot ng supporters ng Franchine-Kyle tandem. Malamang na hanapan ng ABS-CBN si Francine ng bagong ka-loveteam.
‘Pathirsty’ mapapanood na
SIMULA sa darating na June 29, 2022 ay matutunghayan sa number one streaming app sa Pilipinas na Vivamax ang sexy-comedy movie na “Pathirsty” na dinirek ng batang director na si Ivan Andrew Payawal na pinangungunahan nina Adrianna So at Kych Minemoto kasama sina Alex Diaz, Chad Kinis, Bob Jbeili, Kate Alejandrino at Rey `PJ’ Abellana. Si Direk Ivan ang nag-direk ng hit BL movie na “Game Boys”.
Yung hindi na makapaghintay sa Vivamax streaming on June 29 ay maaaring mapanood ang “Pathirsty” nang mas maaga on June 1, 2022 sa on demand ng Vivamax Plus.
Ito bale ang unang pagkakataon na magbida sa pelikula sina Adrianna at Kych kaya sobra silang nagpapasalamat sa IdeaFirst Company (ng dating mag-partner na sina Jun Lana at Perci Intalan) at Viva sa malaking break na ipinagkatiwala sa kanila.
Susan at FPJ magkasama na
MAGKASAMA na ngayon ang mag-asawang Movie King na si Fernando Poe, Jr. (na sumakabilang-buhay nung December 14, 2004) at ang Movie Queen at legendary actress na si Susan Roces matapos ilibing ang huli sa Manila North Cemetery last Thursday, May 26.
Tulad noon ni FPJ, cardiac arrest din ang ikinamatay ni Susan nung gabi ng May 20, 2022 sa edad na 80.
Dagsa ang mga kaibigan at supporters ni Susan hindi lamang sa kanyang wake sa Heritage Memorial Park in Taguig kundi maging sa Manila North Cemetery. Ang pamilya at mga kaibigan ni Susan ay pinangunahan ng kanilang anak ni FPJ na si Sen. Grace Poe-Llamanzares at ng kanilang pamilya along with other relatives and friends sa paghatid sa kanya sa huling hantungan.
Star Cinema aktibo muli
TWENTY-three-year-old Barbie Imperial is currently doing a movie opposite 36-year-old Kapamilya actor, Carlo Aquino sa pamamagitan ng “I Love Lizzy” na pinamamahalaan ni RC de los Reyes. Ito’y bahagi ng 30th anniversary celebration ng Star Cinema na aktibong muli sa paggawa ng pelikula matapos itong mahinto dahil sa pandemya.
Since bukas naman ang Star Cinema sa co-ventures or co-production with other film companies, hindi kami magtataka kung magkakaroon din ng joint venture sa pagitan ng Star Cinema at GMA Pictures ngayong may special deal between them kung saan ipinalalabas na sa Kapuso Network ang mga pelikula ng Star Cinema.
With ABS-CBN losing their franchise to the Villars (of former Sen. Manny Villar), the Kapamilya channel is now open to other possibilities and business ventures kaya ang iniisip noon na imposibleng pagsasanib-puwersa between two giant networks ay posible na ngayon.
Magic wand ni Mr. M kumukumpas na
NGAYONG tumatayong consultant ng Sparkle GMA Artist Center ang dating head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN, ang veteran director na si Johnny Manahan, unti-unti na rin niyang pinagagalaw ang kanyang `magic wand’ sa bakuran ng GMA Artist Center.
Kung si Mr. M (Johnny Manahan) ang brains behind Star Magic (dating Star Circle), kaya rin niyang tumuklas at mag-build-up ng would be stars sa Kapuso network.
Last Thursday ay halos sabay-sabay nang lumagda sa tinaguriang “Signed for Stardom” ang mga baguhan at datihang stars and talents ng GMA Artist Center na ginanap sa isang studio ng GMA in Quezon City.
Ang nagbabalik-showbiz na si Rufa Mae Quinto ay kabilang na ngayon sa roster of talents ng GMA kasama ang dating beauty queen-turned actress na si Rabiya Mateo, Kim Domingo, Ken Chan, Jeric Gonzales, Lexi Gonzales, Zonia Mejia, Betong Sumaya, Faith da Silva, Luis Hontiveros, Kokoy de Santos, Dion Ignacio, Jennie Gabriel at mga baguhan tulad nina Kazel Kinouchi, Mariel Pamintuan, Kirst Viray, Anthony Rosaldo, Mariane Osabel at marami pang iba.
SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.