Yassi

Lalaking nagpapasaya kay Yassi, nasa gaming world

May 26, 2022 Vinia Vivar 318 views

Inamin ni Yassi Pressman na may nagpapasaya sa kanyang puso ngayon.

Sa mediacon ng aktres para sa Season 2 ng Rolling In It Philippines last Wednesday ay natanong kasi siya kung kumusta na ang lagay ng kanyang puso.

“Super happy,” she said. “Rolling in it sa joy,” dagdag pa niya.

Diniretso na siyang tinanong kung may special someone ba siya.

“Siguro,” sagot ni Yassi.

Of course, ’pag ganyan ang sagot, ibig sabihin ay meron dahil ang dali namang sabihing “wala.”

Kaya naman nagkantiyawan na at inurirat na siya kung showbiz or now-showbiz guy ba ito.

“’Yung clue po, sa next season po ng Rolling In It na,” pagbibiro niya.

Ayaw na magbigay ng detalye ni Yassi about the guy pero sa kauurirat ng press, kahit paano ay nakakapagbigay ng clue ang aktres.

Tila na-meet niya ang guy sa gaming world or metaverse industry na isa rin mga venture ni Yassi.

Natanong kasi siya kung nasa metaverse industry ang guy at sagot niya, “Yeah, pwede ring nasa metaverse.”

Dagdag pa niya ay baka nga raw i-announce niya soon.

“I’m celebrating my birthday in the metaverse next month. We do have a crypto-gaming guild po na hope you guys learn about it. It’s called ‘Peg.’

“There’s elite guild din po that we’re building. I’ll be launching that din po after this first episode. So, mga next week. Ah, maybe I’ll announce it there,” pahayag ng aktres.

Asked kung gamer ba ang guy, aniya ay hindi raw.

May nagsabing baka investor ng mga game at nag-smile na lang ang aktres.

Anyway, masaya si Yassi na marami ang natutuwa sa style of hosting niya sa Rolling In It Philippines ng TV5 na muling nagbabalik para sa Season 2.

Muling ibabahagi ni Yassi ang kanyang hosting prowess sa bagong season ng programa, kung saan mapapanood sina Nadine Lustre, YouTube sensation Chad Kinis at theater star Jerald Napoles sa pilot episode.

Maliban sa showbiz stars, mapapanood din sa brand new season ang mga sports personality, comedian at iba pa.

Ang unang season ng Rolling In It Philippines ay nag-premiere noong June 2021, kung saan nakita ng viewers ang offscreen at playful side ng mga celebrity at multi-faceted talent na nagpasaya sa bawat Sabado ng mga pamilyang Pilipino.

Magsisimula naman ang season 2 bukas, May 28, 7:30 p.m., sa TV5.

Mapapanood ang catch-up episodes sa Cignal TV Ch. 3 at SatLite Ch. 30.

Maaari ring mag-download ng Cignal Play App para mapanood ito nang live at on-demand para sa Android at iOS users.

AUTHOR PROFILE