Anak nina Meryll at Joem bininyagan

December 21, 2021 Aster Amoyo 505 views

JoemISA nang ganap na Kristiyano ang baby ng magkasintahang Meryll Soriano (39) at Joem Bascon (35) na si Baby Guido (1) matapos itong binyagan last Sunday, December 19, ten days after Meryll’s 39th birthday nung December 9. Pawang mga non-showbiz ang tumayong godparents except for Meryll’s maternal aunt, ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Unang ipinakilala ng couple si Baby Guido sa netizens nung nakaraang New Year’s day maging sa paternal grandfather ng bata, ang TV host-producer and businessman na si Willie Revillame na ang unang apo kay Meryll ay ang 14-year-old na si Elijah (sa ex-husband nitong si Bernard Palanca).

Sina Meryl at Joem ay unang naging item nang magsama ang dalawa sa TV series na “I Love Betty La Fea” in 2008 pero hindi tumagal ang relasyon at hindi man lamang umabot ng isang taon. Pero nag-reconcile ang dalawa in 2019 matapos magsama sila sa pelikulang “Culion” at TV series na “Krystala”.

Joem was in a long relationship (8 years) with vlogger Crisha Uy bago sila nagkabalikan ni Meryll.

Meryll has two half siblings sa amang si Willie Revillame, sina Juamee (sa ex-wife ni Willie na si Liz Almoro) at si Marimonte Shanelle Viduya Revillame(a future doctor) sa non-showbiz na si Sharon Viduya. She also has two half-siblings sa mother side (Bec-Bec Soriano) sa present partner nito – sina Kei at Ken. Being the eldest sa kanyang mga kapatid (from both sides), siya ang tumatayong big sister sa kanyang mga kapatid.

BernalDirek Arlyn namaalam dahil sa cancer

ISA na namang malungkot na balita ang bumulaga last Monday, December 20 nang ibalita ang maagang pagpanaw ng veteran journalist, filmmaker, screenwriter and visual artist na si Arlyn de la Cruz-Bernal (51) na hindi na umabot sa Christmas at Bagong Taon maging sa kanyang 52nd birthday on January 4. Unknown to many, Arlyn was battling with colon cancer for the last six years pero hindi ito nagpagupo sa kanyang karamdaman up to the very end. Naging productive siya hindi lamang bilang isang magaling at matapang na mamamahayag kundi bilang isang writer, director at film producer. She is best known for the movies “Maratabat” na unang nagbigay sa kanya ng Best Screenplay award na sinundan ng “E.C.Q. Diary (Bawal Lumabas)” na prinudyos ng veteran actress na si Elizabeth Oropesa na siya ring pangunahing bituin ng pelikula with Daria Ramirez as co-star. Ang iba pa niyang pelikulang dinirek ay ang “Hubog,” “Gusot,” “Tibak,” “Capture,” “Mandirigma,” “Burgos,” “Puntod” among others.

Bago pinasok ni Arlyn ang filmmaking ay matagal niyang naging news reporter ng ABS-CBN’s “TV Patrol” and “The World Tonight”. Naging bahagi rin siya ng iba pang public affairs program ng Kapamilya network tulad ng “The Inside Story,” “Dong Puno Live!” at “Magandang Gabi, Bayan” which she considered the best part of her career bilang isang journalist.

“ABS-CBN is part and parcel of my story in the media industry. The truth is, we remain a family. Kapamilya is not just a merchandising tag. It’s true. It’s real.

Grateful? Extremely!,” post ni Arlyn noon sa kanyang Facebook account.

Ayon sa anak ni Arlyn na si Katrina Greta, her mother fought cancer for 6 years.

Arlyn made headlines nung 2002 when she was adbucted by the rebel group in Jolo, Sulu sa pagnanais niyang makapanayam ang kidnapped American missionaries, ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham. She was held hostage for three months bago siya pinakawalan.

It was in 2014 nang magsimula siyang magdirek sa pamamagitan ng “Maratabat” na siya rin ang nagsulat ng script. Ito’y inspired by the Mindanao Massacre. Ang “Tibak” naman ay tungkol sa exiled Community Party of the Philippines founder na si Jose Maria Sison habang ang pelikulang “Mandirigma” ay inspired ng Mamasapano clash kung saan 44 na Special Action Force (SAF) troops ang namatay. Siya rin ang sumulat at nagdirek ng “E.C.Q. Diary (Bawal Lumabas)” na tinampukan nina Elizabeth Oropesa at Daria Ramirez.

Paalam, Arlyn. Ikaw ay naging mabuting kaibigan at alagad ng industriya na iyong minahal at pinagsilbihan ng maraming taon.

ABS-CBN isang marangyang Christmas special ang handog

SA kabila ng matitinding pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN na may kinalaman sa pandemya at pagkawala ng kanilang prangkisa, pagkalagas ng naparakami nilang empleyado at stars, patuloy na lumalaban at naghahatid ng saya, balita, impormasyon at tulong ang Kapamilya channel sa tulong pa rin ng mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanila.

Isa na namang marangyang Christmas Special ang ibinahagi ng Kapamilya channel sa kanilang loyal viewers and supporters nung nakaraang Sabado ng gabi, December 18 na muling pinamahalaan ng actor-director na si John Prats. Dito ay muling nagtipun-tipon ang halos lahat ng mga stars and talents ng ABS-CBN maging ng mga big boss.

JoshuaJaneHow Joshua saved Darna

SOBRA ang pasasalamat ng star ng upcoming TV series ng Kapamilya channel ngayong 2022, ang “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na si Jane de Leon dahil na-save siya ng kanyang co-star sa serye na si Joshua Garcia nang siya’y takpan dahil sa wardrobe malfunction na nangyari sa kanya during the Christmas special. Kung hindi siya tinakpan ni Joshua, baka nakita ang dibdib ni Darna. Yumakap na lamang sa likod ng actor si Jane para hindi mahalata ang kanyang wardrobe malfunction.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE