CIDG Kinakausap ng mga operatiba ng CIDG Carada Surigao Del Norte ang suspek na mapayapang sumuko. Kuha ni JONJON REYES

American nat’l timbog ng CIDG sa Surigao del Norte

June 12, 2022 Jonjon Reyes 517 views

ARESTADO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDG) ang isang American citizen sa kasong paglabag sa Republic Act 10883 ( New Anti – Carnapping Act of 2016) sa Surigao Del Norte City gabi ng June 11, 2022, Sabado.

Kinilala ni PLT.Col. Monico M. Cadayona Regional Chief, Regional Field Unit 13 ng Caraga CIDG, ang suspek na si Michael Perez, 62, American citizen at nanunuluyan sa Unit 1 Bullo Compound, KM 1 National Highway Barangay Washington, Surigao City..

Base sa ulat ng CIDG SDN PFU, pasado 8 p.m. nang arestuhin nila si Perez sa Unit 1 Bullo Compound , KM 1 National Highway sa nasabing lalawigan

Kabilang sa mga operatiba na humuli sa suspek na payapang sumuko ay sina Pat. Marvic Ryan Pabico, Pat. Rafael Agawon at Pat. Archie Caronan mapayapa namang sumuko at naki pag kooperasyon sa mga kapulisan..

Kargado ng body worn camera ang tatlong operatiba ng CIDG nang arestuhin si Perez. Bitbit nila ang arrest warrant na inisyu ni Judge Conchita Montecillo, acting Presiding Judge ng Regional Trial Court ,11th Judicial Region, Branch 40 ng Tandag City Surigao Del Sur na may petsang June 2, 2022.

Naglaan ang korte ng P300,000 piyansa sa suspek para sa kanyang pansamantalang paglaya.

AUTHOR PROFILE