Crime

American national natagpuang patay sa Angeles

March 4, 2024 Bernard Galang 115 views

PATAY na ng matagpuan ang isang American national noong Sabado sa kanyang hotel sa Angeles City, Pampanga.

Ayon sa report, pumunta si Ricardo Perez Luna, 67, sa hotel ng kanyang kapatid na si Eduardo Perez Luna, 73, sa Eurotel sa Don Juico Avenue, Brgy. Malabanias, Angeles City.

Walang sumasagot sa kwarto ng 73-anyos na Amerikano kaya humingi ng tulong sa security guard ng hotel si Ricardo para buksan ang pinto.

Doon na natagpuan nila ang walang buhay na si Eduardo.

Sinabi sa pulisya na na-diagnose si Eduardo na lumaki ang puso at naniniwala ang kanyang kapatid na walang foul play sa kanyang pagkamatay.

AUTHOR PROFILE