NBI

Chop-chop na katawan nakita sa Bacolod

March 4, 2024 Jonjon Reyes 122 views

IPINAG-UTOS ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (NBI Director) Medargo G. De Lemos ang pagbuo ng task force na hahawak ng imbestigasyon kaugnay sa natagpuang putol-putol na bahagi ng katawan na natagpuan malapit sa gate ng opisina ng NBI-BACDO.

Ayon sa inisyal na report, isang sako na naglalaman ng chop-chop na katawan ang nadiskubre ng may-ari ng tindahan malapit sa tanggapan ng NBI-BACDO.

Inakala ng tindera na ang sako ay naglalaman ng mga frozen na pagkain na nahulog mula sa sasakyan ng NBI.

Matapos nito ay hiniling niya sa isang NBI volunteer na dalhin ang sako malapit sa gate ng NBI-BACDO at itinawag ang atensyon ng isang empleyado ng NBI Job Order (JO), na siya namang nagbukas ng sako.

Dito na nadiskubre ang kaliwang braso, kaliwang binti mula sa tuhod, at dalawang tainga ng tao.

Agad iniutos ni Direktor De lemos kay Atty. Jose Justo S. Yap, Deputy Director for Operations.na magsagawa masusing imbestigasyon at arestuhin ang mga nasa likod ng insidente.

Hindi pa natutukoy kung anong kasarian ang mga natagpuan bahagi ng katawan.

AUTHOR PROFILE