Kulong

Ama, 45, ‘ginahasa’ anak na dalagita, 15

June 11, 2023 Melnie Ragasa-limena 425 views

HIMAS rehas ngayon ang isang ama matapos umanong himasin at gahasain ang kaniyang kinse anyos na anak na babae.

Ang 45-anyos na suspek ay kasalukuyang nakadetine sa Holy Spirit Police Station (PS 14) at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8353, also known as “The Anti-Rape Law of 1997,”.

Sa ulat ng pulisya noong ala siyete ng gabi ng Hunyo 9, 2023 ay nagsumbong ang biktima sa Social Welfare Officer 1 (SWO1) ng Brgy. Holy Spirit tungkol umano sa panggagahasa sa kaniya ng kaniyang ama.

Agad na humingi ng tulong ang nasabing social worker sa pulisya.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang pulisya at nakumpirma mula sa biktima ang ginawang pang aabuso sa kaniya ng suspek.

Agad na nagtungo ang mga pulis sa bahay ng suspek at inaresto ito.