Alfred sobrang idol ng kapatid na si PM

July 29, 2023 Aster Amoyo 250 views

FIFTEEN weeks pregnant ngayon ang misis ng actor-politician-film producer na si Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu-Vargas sa kanilang magiging fourth child.

Ang magandang balita ay ibinahagi ni Alfred sa isang intimate lunch get-together with his friends from the entertainment media sa Super Sam in Quezon City nung nakaraang Huwebes, July 27 kasama ang kanyang younger and only brother na si Cong. Patrick Michael (PM) Vargas, kinatawan ng 5th district ng Quezon City.

Ang mag-asawang Alfred at Yasmine ay meron nang tatlong anak, two girls and a boy na sina Alendra Milan, Aryana Cassandra at Alfredo Cristiano. Boy or girl man ang kanilang magiging pang-apat na supling ay welcome umano ito sa kanilang mag-asawa.

Hindi maikakaila na super close ang magkapatid na Alfred at PM dahil sa sila’y magkasunod, they grew-up together and shared the same room nung mga bata pa sila. They have two elder sisters.

Ayon kay Cong. PM, he has always idolized his Kuya Alfred since he entered showbiz and politics. Pero sa larangan ng public service niya sinundan ang kanyang elder brother who has always been supportive sa kanya.

“Alam ng Kuya ko na politics talaga ang target ko kaya Political Science ang tinapos ko in college (sa Ateneo de Manila University),” ani PM.

AB Management Economics naman ang tinapos ni Alfred on the same university and is now taking his PhD course sa University of the Philippines.

Si Alfred ay nagsimula sa bakuran ng ABS-CBN bilang isa sa member ng Batch 10 ng Star Magic (Star Cicle pa noon) pero mas nakilala ito bilang actor sa bakuran ng GMA, his home studio up to now.

It was in 2010 nang pasukin ni Alfred ang pulitika when he ran as councilor ng ika-2 nd district ng Quezon City and won the second highest sa mga nanalong kandidato. Hindi na niya tinapos ang kanyang termino bilang konsehal at tumakbo siya sa 5th district ng Quezon City sa Kongreso na kanyang pinaglingkuran sa loob ng tatlong termino o siyam na taon. When his term ended in 2022, bumalik siya sa pagiging konsehal, this time sa 5th district ng Quezon City kung saan naman dating konsehal ang kanyang nakababatang kapatid na si PM.

Nagpalit sila ng puwesto, si PM ang tumakbo sa Kongreso at si Alfred naman bilang konsehal at parehong pinalad na manalo.  “Since nauna sa akin ang Kuya ko sa larangan ng pulitika, marami akong tips and advise na nakuha sa kanya. He’s always there naman for me,” proud na pahayag ni Cong. PM.

Kahit sa film outfit na itinatag ni Alfred ay involved si Cong. PM na isa ring successful businessman.

Kung si Alfred ay maga-apat na anak, si Cong. PM naman ay may 15 months old son sa kanyang Fil-Australian wife na si Cristine Rockett-Vargas.

Samantala, inamin ni Alfred na matapos niyang makatrabaho ang superstar na si Nora Aunor sa pelikulang “Pieta,” dream din umano niyang makasama sa movie sina Vilma Santos at Sharon Cuneta gayundin sina Diana Zubiri at Sanya Lopez na nakasama niya sa popular “Encantadia” fantasy series ng GMA.

Umaasa si Alfred na mapipili ang “Pieta” movie nila ni Nora Aunor sa darating sa 2023 Metro Manila Film Festival.

“The movie is 90% done. Editing na lang,” ani Alfred.

Number 11 mahalaga kina Ka Tunying at Rossel

TabernaTaberna1Taberna2SUPER busy ngayon ang production house nina Anthony Taberna at misis nitong si Rossel, ang Outbox Media Powerhouse Corporation which is into corporate events, launches and other production services.

Just recently, the couple hosted a major event for Taberna Group of Companies entitled “What Makes An Icon?” for their friends, guests and clients na ginanap sa The Tent (Metrowalk) in Pasig City na itinaon din sa belated birthday celebration ni Rossel.

“We are so blessed and we wanted to share it with you,” pahayag ni Rossel.

Samantala, napaka-special sa mag-asawang Anthony at Rossel ang Number 11 dahil nagkakilala silang mag-asawa nung November 11, 2005 (11-11-05) at 4:11 p.m. sa 7-Eleven in Mendiola harap ng Centro Escolar kung saan estudyante pa lamang noon si Rossel ng Mass Communication.

Kagagaling pa lamang noon ni Anthony sa kanyang coverage in Congress at napadaan siya sa 7-Eleven. It was an instant attraction sa part ni Anthony kaya gumawa siya ng paraan na makilala ang magandang babae sa loob ng convenience store and started pursuing her hanggang maging sila. Ang nakakatuwa, eleven years din ang kanilang age gap na mag-asawa gayundin ang parents mismo ni Rossel.

When Rossel left for Malaysia to visit her father na doon nagtatrabaho noon, agad na-miss ni Anthony ang kasintahan na niya noon. Nang ito’y bumalik ng Pilipinas ay agad nag-propose sa kanya ang radio-TV anchor and entrepreneur nung May 14, 2007 (Mother’s Day) at nung January 11, 2008 ay nagpakasal ang dalawa. Eleven years later, they renewed their marriage vows in Tagaytay at hindi na nila hinintay ang kanilang silver wedding anniversary.

If there is one thing in common sa mag-asawang Anthony at Rossel bukod sa kanilang malakas na pananampalataya sa Diyos, ito ay ang kanilang pagiging loving and caring parents sa kanilang dalawang teen-age daughters na sina Zoey at Helga, their love and faithfulness at pagiging supportive sa isa’t iba at ang kanilang pananatiling humble and grounded sa lahat ng pagkakataon. Kaya naman patuloy ang dating sa kanila ng mga biyaya sa kabila ng mga sunud-sunod na matitinding pagsubok na kanilang pinagdaanan.

“It made us stronger as a couple and as a family,” pahayag ni Anthony.

Ang Outbox Media ni Rossel ang line-producer ng weekly public-affairs show ni Anthony on AllTV, ang “Sana All”. Ito rin ang magpu-produce ng twice-a- month YouTube Live show ng radio-TV anchor and vlogger ang”Tune In Kay Ka Tunying”.

Ang mga kumpanya ng mag-asawang Anthony at Rossel under Taberna Group include Outbox Media, Ka Tunying’s, A Taberna Foods, Inc., Kumbachero Food Corporation, Taste of the Town, “Tune In Kay Ka Tunying Live” at “Kuha ALL!”

Pip hindi mawala ang sakit sa pagkamatay ng anak

Tirzo1TirzoTirzo2FILM Development Council of the Philippine (FDCP) chairman, singer and award-winning actor Tirso Cruz III or Pip to his friends and fans is a cancer survivor. He was diagnosed of cancer of the lungs in 2014 and was operated on and got totally healed but four years later, on November 21, 2018, he lost his eldest son na si TJ after battling with cancer of over six months. He was 37.

Ulila nang lubos si Pip sa kanyang parents at only brother na si Woody na siyang unang nawala sa kanilang pamilya.

“Losing my only brother (whom I was very close to) and my parents were already so painful pero nang mawala ang eldest son kong si TJ, mas matinding pain ang naramdaman ko,” pag-amin ni Pip during our exclusive interview for “TicTALK with Aster Amoyo” recently.

“The pain never goes away. You just learn to live with it,” patuloy niya.

Sa kabila na wala na si TJ, he regularly writes a note for him just to let him know kung gaano niya ito kamahal.

Sa kanila ng kanyang misis na si Lyn Ynchausti-Cruz, mas emotional ito pagdating kay TJ.

“Iba ang pakiramdam ng ina dahil siyam na buwan niya itong dinala bukod pa sa pag-aalaga hanggang sa kanyang paglaki. My wife has always been a doting mom to our three children,” pag-amin ni Pip.

“Kahit ang younger siblings niyang sina Bodie at Djanin remember him fondly.

“Kahit hindi na namin kasama physically si TJ, we make it a point that he’s still part of us and our family,” deklara pa niya.

SUBSCRIBE, like, SHARE, and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE