Alex

ALEX HANDA NA MAGING INA

March 31, 2024 Vinia Vivar 104 views

Naniniwala si Alex Gonzaga na malapit na silang magkaroon ng anak ng mister na si Mikee Morada. Kini-claim na niya ito at handang-handa na rin siyang maging isang ina.

Sa isang video na ipinost ni Alex ay makikita na sweet na sweet sila ni Mikee habang kumakain. Sinubuan pa ng vlogger ang kanyang mister habang si hubby naman ay pinunasan pa ang bibig ng misis ng kumalat na food.

Caption ni Alex, “To our fellow future parents… Malapit na yan in Jesus name.”

Bukod dito ay nagbigay din si Alex ng encouraging words sa mga mag-asawa na tulad nila ay wala pang anak.

“Our future parents like us will see this. Claim it in Jesus’ name. Habang wala pa, alagaan muna ang isa’t isa.”

Umani naman ng katakut-takot na positibong reaksyon mula sa netizens at kapwa-celebrities ang post ni Alex at hangad nila’y matupad na ang pinapangarap na anak ng mag-asawa.

Sey ni Luiz Manzano, “Amen,” ganundin sina Carla Abellana at Sherilyn Tan.

“May the Lord Jesus grant you a child,” hiling din ng isang netizen.

“Praying with you and for you, Ms. Alex,” sey naman ng isa pa.

“Thanks Alex! Wag tayo mawalan ng pag-asa…,” saad naman ng isa pang follower.

“Yes in God’s perfect time and will in Jesus name,” anang isa pa.

Matatandaan na dalawang beses nang nagkaroon ng miscarriage si Alex pero nananatiling positibo ang vlogger na ibibigay ni Lord ang kanilang hinihiling sa tamang panahon.

AUTHOR PROFILE