Alden

Alden sa pagkakaroon ng lovelife: It’s about time

October 16, 2021 Vinia Vivar 103 views

Sa pagpirma ni Alden Richards ng panibagong kontrata sa GMA-7, looking forward ang Asia’s Multimedia Star sa mga bagong proyekto na gagawin niya.

“I’m more experimentative into taking on different projects as of now and siguro leaning towards creating projects like acting pieces where I can use it to, you know, para pwede natin siyang maipadala sa mga international award-giving bodies and also to be able to experience something new din on me,” pahayag ni Alden sa virtual mediacon matapos ang pagpirma niya ng panibagong exclusive contract with GMA Artist Center last Friday.

Kung sa nakalipas na 10 years ng kanyang career ay lagi raw good boy ang kanyang papel, ngayon ay medyo edgy roles naman ang gusto niyang gawin.

“Ang ‘yung mga risky. Medyo mag-risk na tayo nang konti when it comes to taking on roles. Para hindi naman tayo boring panoorin, hindi naman tayo parang ‘ay, nakita ko na ‘yan.’ ‘Yung mga ganu’ng moments ng mga manonood natin.

“So, I think, now is the time since hindi na rin naman ako bumabata. I’m turning 30 na in January po, so parang ‘yun ‘yung isa sa mga bagay na gusto kong magawa sa ngayon and improve on,” aniya.

At ang first project na makikitaan si Alden ng malaking pagbabago ng karakter ang pagbabalik ng seryeng The World Between Us ngayong November.

“This November, may patikim na ng parang Alden version 2.0, parang ganu’n,” sambit ni Alden.

Nang matanong naman kung kailan naman niya pagtutuunan ng pansin ang kanyang lovelife, ayon sa aktor ay nandu’n na siya sa puntong ‘yun.

“Actually, ’andoon naman po ako kasi, ’yun nga po, magti-30 na ako next year and siyempre, ’yung priorities natin, nag-iiba na. Parang I’ve already done quite a huge part for the lives of the people close to me. Parang it’s about time naman na ako naman,” he said.

AUTHOR PROFILE