Mark

Mark Anthony, nag-shave ng 20-year old na buhok

October 16, 2021 Vinia Vivar 117 views

First gay role ni Mark Anthony Fernandez ang pelikulang Barumbadings na idinirehe ni Darryl Yap at mapapanood sa Vivamax sa Nov. 5.

Ayon sa aktor ay hindi naman siya nag-dalawang-isip nang ialok sa kanya ang movie matapos niyang mabasa kung sinu-sino ang makakasama — sina Baron Geisler, Joel Torre at Jeric Raval.

“First time kong gumanap na third sex pero marami po akong kaibigan na third sex. Nu’ng na-offer sa akin ang script at nakita ko ang cast — Joel Torre, Jeric Raval, John Lapus, talagang umoo agad ako,” kwento ni Mark Anthony sa virtual mediacon.

Sey pa ng aktor, talagang pinaghandaan niya ang kanyang role kabilang na ang pag-ahit ng buhok sa iba’t ibang parte ng katawan.

“I made sure na makinis ang skin ko, kailangan medyo magmukhang babae, binawasan ko ang weight ko, nag-shave ako ng 20-year-old na buhok tapos todo motivation po.”

Nang matanong kung saan siya nahirapan sa pagganap ng bading, aniya, ito ay ang pagsusuot ng high heels.

“Pinaka-challenge po sa akin ‘yung naka-high heels po ako na nagpa-fight scenes na dapat mukhang babae, kilos babae, kumbaga, motivated na motivated ako. Kay Direk ako nakabaling na maga-guide niya akong mabuti.

“Ang hirap po talaga ng fight scenes na naka-high heels. In fact, ‘yung bata na artista napilay din po siya dahil nag-a-action scene siya na naka-high heels,” pagbabahagi ng aktor.

AUTHOR PROFILE