AJ

AJ, pinapikit si Jeric sa sexy scenes

August 26, 2022 Vinia Vivar 283 views

Masayang-masaya si AJ Raval na natupad ang dream niyang makapag-action sa pelikulang Sitio Diablo na nagsimula nang ipalabas ngayong Biyernes sa Vivamax.

Sa private screening nga ng nasabing pelikula, kasamang dumalo ni AJ ang action star na ama at iniidolong si Jeric Raval.

After the screening ay natanong ng entertainment press si Jeric kung ano ang masasabi niya sa mga fight scene ng anak.

In fairness, pasado naman kay Jeric ang action scenes ni AJ kaya masayang-masaya ang sexy actress.

Nagbiro pa ang leading man niyang si Kiko Estrada na mas magaling pa si AJ kesa kay Jeric kaya nagtawanan ang lahat.

Pero ayon kay AJ, siyempre ay hindi totoong mas magaling siya sa tatay niya.

“Siguro po, may time rin po na masasabayan ko ‘yung tatay ko sa action, pero right now, I’m still in the process of learning pa rin po ako, eh. Nag-aaral pa rin po ako.

“Saka ayoko naman din pong sabihin na mas magaling ako sa tatay ko kasi sa kanya ako natuto, eh. Siya ‘yung naging inspiration ko para maging action (star), para mag-movie, para maging artista,” pahayag ni AJ.

Asked kung ano ang pakiramdam niya na kasama niyang nanoood ang tatay niya sa matitinding sexy scenes, aniya, ni-ready niya ito sa pwedeng mapanood.

“Sabi ko, pumikat na lang silang lahat,” natatawang sabi ni AJ.

“Natuwa naman siya kasi ‘yun nga, action movie saka nag-meet na rin sila before ni Direk Roman (Perez), nakikita rin niya ‘yung work ni Direk Roman, natutuwa siya na si Direk Roman ang direktor ng movie,” dagdag pa ng Queen of Vivamax.

AUTHOR PROFILE