Vilma

Ate Vi, sobrang saya sa ‘Baby Girl Peanut’ nina Luis at Jessy

August 26, 2022 Jun Nardo 273 views

BABY girl ang ini-expect na anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Inilabas ni Jessy ang gender ng baby nila ni Luis sa kanyang YouTube channel na “Baby Peanut” muna ang tawag nila.

Saad ni Jessy, baby boy talaga ang expected nila pero girl ang lumabas.

Siyempre, sobrang saya ng biyenan niyang si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na bet ngang magkaapo ng babae.

Parehong present si Ate Vi at ang ina ni Jessy sa gender reveal.

MAGRI-RENEW SA GMA-7

ITINIGIL muna ni Ai-Ai de las Alas ang paggawa ng ube pandesal at pastries na ibinebenta niya sa mga kababayan sa Amerika.

May trabaho na kasi siya ru’n bilang activity director ng isang facility center sa matatanda sa Stockton, California. Ito ang secret life na sabi niya nang bumalik sa bansa bilang ambassador ng Academy of Pastry and Culinary Arts (APCA).

“Hindi ko puwedeng sabihin ang name ng facility center. Sister company ‘yun ng Good Samaritan,” sabi ng Comedy Queen.

Balita pa niya, “Nakapasa ako sa exam, nag-training so parang napakaganda ng pakiramdam ko kasi ‘yung remaining days ng nandoon ng mga matatanda, ng seniors, ikaw ang gumagawa ng activities for them to make them happy.”

Nakaranas din siya na masungitan at mapagalitan ng mga senior pero never niyang dinadamdam ‘yung galit at sungit nila.

Sa totoo lang, nu’ng nandito si Ai-Ai, madalas na niyang ginagawa ang pagpapaligo at pagbibihis at pamimigay ng kailangan ng matatanda sa isang charity group sa Manila.

Bago bumalik ng US, natanggap ni Ai-Ai ang balitang magri-renew siya ng kontrata sa GMA. Babalik uli siya sa Pilipinas para sa taping ng singing competition ng GMA na The Clash.

AUTHOR PROFILE