AJ

AJ, magpapahinga sa social media … aktres, nag-sorry kay Kylie

October 22, 2021 Ian F. Fariñas 72 views

KyliePAHINGA muna sa social media si AJ Raval para pangalagaan ang kanyang mental health. Ito ay matapos mag-sorry kay Kylie Padilla sa isang video message na in-upload niya sa TikTok kaugnay ng pagshe-share niya sa “breaking silence” post ni Aljur Abrenica sa socmed.

Apparently, maraming negative comments na ibinunga ng pagshe-share niya sa post ni Aljur kaya kinailangan niyang ipaliwanag kung bakit niya ginawa iyon.

Ani AJ, “Tungkol ’to sa statement ni AJ (Abrenica) na shinare ko. Gusto ko lang i-explain kung bakit ko shinare. Hindi naman sa nakisawsaw ako sa issue nila. Shinare ko ‘yun kasi I’m trying to protect myself and my family also.

“People are accusing me sa isang bagay na hindi ko naman ginagawa. Tinatawag nila akong ‘kabit,’ tinatawag nila akong ‘homewrecker,’ which is hindi naman totoo. Wala akong sinirang pamilya, never akong maninira ng pamilya.

“Pati family ko nadadamay na, ’yung parents ko. Well, nu’ng una, tinatanggap ko pa ’yung mga sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon, nadadamay ’yung family ko, sobrang affected ako. Nanay ko nakikita kong umiiyak, naaapektuhan ako du’n.

“Shinare ko lang ‘yun dala ng emosyon, kasi I’m hurting.

“I’m really sorry sa lahat ng mga naapektuhan, sa mga nagalit. I’m really sorry. And also kay Kylie, I’m sorry kung shinare ko ’yung statement na ‘yon. It’s not my intention to hurt anybody, I’m just trying to protect myself.

“Iyon nga lang, mali ’yung way ko. Pero na-realize ko rin na baka tama kayo, I’m too immature and I need to grow. I’m really sorry sa lahat ng naapektuhan at sa lahat po ng nagalit. Pasensya na po at sana mapatawad niyo ako,” patuloy ng sexy star.

Bago magtapos, sinabi ni AJ na gusto na lang niya ng katahimikan at wish niya na matapos na ang isyu sa kanilang tatlo.

“Sana matapos na ’to kasi bugbog na talaga ’yung mental health ko. Hindi ko na kaya. Magso-social media detox muna ako siguro. Next year na ako babalik sa social media. Anyway, maraming, maraming salamat po sa mga nagmamahal pa rin sa akin, sa mga sumusuporta. Naa-appreciate ko kayong lahat,” diin niya.

AUTHOR PROFILE