Yan

Marian at Lisa ng Blackpink, twinning

October 22, 2021 Ian F. Fariñas 87 views

LizaPANSIN ng netizens ang mala-‘Who wore it better?’ na eksena sa pagitan nina Marian Rivera at Lisa ng sikat na South Korean all-girl group na Blackpink.

Sa isang Instagram Story kasi ng Kapuso primetime queen kung saan parang nakadungaw sa bintana at all-white ang blouse, may suot siyang kwintas na pinkish ang pendant.

Parehong-pareho iyon ng suot ni Blackpink Lisa sa isa sa mga picture niya online.

Napag-alaman na ang twinning palang kwintas nina Marian at Lisa ay gawa ng Bvlgari at ang tawag sa design na iyon ay Divas’ Dream Necklace na ang shade ng pendant ay ang nauuso ngayong rose gold.

Siyempre, bongga ang leveling ng twinning dahil worth $30,000 pala ang presyo ng nasabing kwintas.

Kung pagbabasehan ang peso-dollar exchange rate sa ngayon ($1-P50.79), suma tutal ng kwintas ay mahigit isa’t kalahating milyong piso.

Actually, lately ay pulos mamahaling brands ang nakikitang nagreregalo kay Marian ng kanilang mga produkto sa IG. Nariyan ang Louis Vuitton, Carolina Herrera, Prada, Chanel at kung anu-ano pa.

Fashion icon na nga ang peg ng misis ni Dingdong Dantes at abang na abang na ang fans and supporters ni Marian sa nalalapit na launch ng fashion line ng kanyang Flora Vida by Marian.

AUTHOR PROFILE