PIA

Showbiz celebs na positibo sa Covid-19, dumarami

January 9, 2022 Vinia Vivar 385 views

VargasPatindi na naman nang patindi ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Nitong mga nakaraang araw ay sunud-sunod ang post ng mga celebrity na ibinabalitang nagpositibo sila tulad nina Pia Wurtzbach, Alyssa Valdez, Karen Davila at ang pinakahuli naming nabasa ay ang post ni Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas.

Inanunsyo ni Cong. Alfred last Saturday night na nagpositibo na rin siya sa coronavirus.

“I had just tested positive for COVID-19, a difficult and worrying reality that tens of thousands of our fellow Filipinos had to face this week.

“While we have long been working with experts and civil servants in making policy solutions to address this pandemic, this battle against the SARS-CoV-2 virus has only come closer to home.

“Katulad ng marami nating kababayan, nariyan po ang matinding takot at pangambang mahawa ang ating pamilya at ang ating mga mahal sa buhay.

“Ganito man ang resulta ng aking RT-PCR test, asymptomatic po ako. Ganito rin po ang sitwasyon ng marami sa atin, bunga na rin ng epektibong vaccination program ng ating pamahalaan.

“We are following all prescribed safety protocols and I continue my work from my isolation station to ensure that our services to our constituents will not be disrupted. Tuloy ang serbisyo,” ang nakasaad sa press statement.

Humihingi rin ng dasal si Cong. Alfred hindi lang para sa kanya kundi sa iba pang nagpositibo rin na naka-quarantine ngayon.

“I, however, ask for everyone’s prayer of healing and peace of mind — not just for me and those in quarantine and isolation, but also for our nation and the world.

“Stay safe and healthy, everyone. May The good Lord continue to bless us and protect us always,” saad niya.

Get well soon, Cong.!

IYAKANG MALA-NORA AUNOR

Ang baguhang sexy star na si Ayanna Misola naman ang binigyan ng lead role sa solo debut film niya sa Viva pagkatapos lumabas sa mga hit na pelikulang #Pornstar 2: Pangalawang Putok at Siklo.

Si Ayanna ang bibida sa upcoming sexy-psycho-thriller movie na Kinsenas, Katapusan directed by GB Sampedro.

Aminado si Ayanna na talagang nagulat siya nang sabihin sa kanya ng Viva na siya ang napiling bida para sa naturang pelikula. At the same time ay kinabahan daw siya.

“Sabi ko sa sarili ko, ‘pano ‘to, sa akin naka-focus ang story? Paano ko gagawin?’ Pero nu’ng nabasa ko naman po ‘yung script, tapos dumating na ‘ko sa set, naihanda naman po ako nila Direk GB.

Kasi ginagabayan nila ako bawat scenes ko,” sey ni Ayanna sa ginanap na virtual mediacon ng Kinsenas, Katapusan.

Dahil nga sa kanya naka-focus ang story ay maraming challenging scenes si Ayanna sa movie at aminado siyang nahirapan siya sa eksenang kailangan niyang umiyak nang patak lang ang luha.

“’Yung pang-mala-Nora Aunor na iyak,” sey niyang natatawa.

Pati love scenes niya rito ay mas matindi kesa sa Siklo.

“Malala po kasi mas intense, sa akin naka-focus ‘yung story, puro daring scenes. Pero feeling ko naman, mas na-improve ko rin ‘yung sarili ko dahil natuto na ‘ko ru’n sa mga previous project ko,” she said.

Ginagampanan ni Ayanna sa Kinsenas, Katapusan ang isang batang babae na may madilim na nakaraan at nagkaroon ng illicit affair sa isang married man na ginagampanan ni Joko Diaz.

Streaming na sa Vivamax ang Kinsenas, Katapusan sa Feb. 4. Kasama rin sa pelikula sina Janelle Tee, Angela Morena, Jamilla Obispo at Kier Legaspi.

AUTHOR PROFILE