PIA

Pami-pamilya na ng celebrities ang tinatamaan ng virus

January 9, 2022 Aster Amoyo 324 views

KarenMARAMI-RAMI na ring celebrities ang nag-test positive dahil sa mabilis na pagkalat ng nakakahawang Omicron variant ng Covid-19. Nariyan ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach, ang pamilya ng news TV anchor at vlogger na si Karen Davila, ang isa sa Top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 at volleyball player na si Alyssa Valdez at marami pang iba. Ang tanggapan ng Viva Group of Companies sa Tektite Building in Ortigas Center ay sarado ng isang linggo dahil marami sa mga empleyado ang tinamaan ng virus gayundin ang ibang mga pribadong tanggapan at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Walang pinipiling personalidad ang Covid-19, mayaman ka man o mahirap, kilala o hindi.

Ang mabilis na pagkalat ng mapamuksang virus ay dahil na rin sa kapabayaan ng mga tao, ng publiko in general dahil hindi na sinusunod ang mga health protocol. Dagsa ang tao sa malls, public transports, tren, mga palengke, sa Divisoria at iba pang matataong lugar. Pati hindi pa mga bakunadong bata ay karay-karay ng kanilang mga magulang. Naging kampante ang mga tao at hindi inalintana ang banta ng Covid-19 na nasa ating paligid pa rin. Marami rin sa ating mga kababayan ang hindi nagsusuot ng kanilang face mask at kung may suot man ay nakababa ito sa kanilang chin at naka-expose ang kanilang mga ilong at bibig. Ito’y pakita lamang na marami pa rin sa ating mga kababayan ang iresponsable at walang disiplina.

Ang mas nakakatakot ngayon, pami-pamilya na ang biktima ng Omicron variant.

PioloPiolo sumabak na sa lock-in taping with Lovi

SUMABAK na sa lock-in taping ang bagong Kapamilya actress na si Lovi Poe sa kanyang kauna-unahang TV series with ABS-CBN opposite Piolo Pascual, ang “Flower of Evil,” local adaptation ng K-drama of same title na ipinalabas sa South Korea nung July 29 up to September 23, 2020. Bukod kina Piolo at Lovi, tampok din sa nasabing serye sina Pinky Amador, Jett Pangan, Rita Avila, Robert Sena, Epy Quizon, Agot Isidro, Kit Thompson at Denise Laurel.

Sina Agot at Kit ay napapanood pa rin sa malapit nang magtapos na primetime TV series na “La Vida Lena” with Erich Gonzales sa title role habang ang singer-actor na si Jett ay sa romance-comedy series na “Marry Me, Marry You” na magtatapos na sa ere ngayong January 21.

Puring-puri naman ng singer-actor na si Piolo ang kanyang bagong kapareha sa “Flower of Evil” na si Lovi dahil bukod sa mahusay itong aktres, na-discover niya ang commitment, dedication at passion nito sa kanyang trabaho.

Samantala, natutuwa ang supporters ng Kapamilya prized singer-actor na si Piolo dahil balik-ASAP Natin `To siya simula kahapon, Sunday, January 9 where he also celebrated his advance 45th birthday which will happen on January 12, araw ng Miyerkules.

Kung matatandaan pa, Piolo has been with “ASAP…” for the longest time until his sudden move to topbill another musical variety show on TV5, ang “Sunday Noontime Live” produced by Brightlight Productions ng dating politician at businessman na si Albee Benitez. Pero ang nasabing programa ay tumagal lamang ng tatlong buwan – October – 2020 to January 2021. Months later ay bumalik ang actor sa kanyang home studio, ang ABS-CBN where he is currently doing a TV drama series at ngayon ay balik siya sa “ASAP Natin `To”.

Samantala, although nag-viral ang cozy photos ni Piolo kasama ang kanyang rumored girlfriend , singer-actress Shaina Magdayao, sa isang beach resort in Bohol nung isang taon, kung saan nila kasama ang magkasintahang Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago, wala pa ring pag-amin ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

“What you see is what you get,” pahayag ng singer-actor in one of his recent interviews.

JanelleJanelle sasabak na rin sa pagpapaseksi

2019 Miss Earth Philippines Janelle Tee spent the Christmas holidays with her family in Davao. Bukod sa kanyang pakikipag-bonding with her parents and siblings, pagkakataon na rin nyun para kausapin ang mga ito tungkol sa kanyang pagpapaseksi sa mga pelikulang kanyang gagawin sa bakuran ng Viva kung saan siya contract talent.

Ayon kay Janelle, handang-handa na umano siyang umanib sa mga beauty queen-turned-sexy stars ng Viva at kasama ang 2016 Miss International na si Kylie Verzosa at 2013 Bb. Pilipinas Tourism na si Cindy Miranda ng kanyang mga hinahangaan at inspirasyon dahil kahit sila nagpapaseksi, nangingibabaw pa rin ang kanilang husay sa acting.

First movie ni Janelle sa Viva ang “Kinsenas, Katapusan” na siya namang launching movie ni Ayanna Misola kasama sina Joko Diaz, Kier Legaspi, Jamilla Obispo, Jojo Abellana at iba pa na pinamahalaan ni GB Sampedro at malapit na ring mapanood sa streaming app na Vivamax.

Would this mean kaya na si Janelle na ang next important sexy star sa Viva?

MMFF entries hindi nakabawi

NAGTAPOS na last Friday, January 7, 2022 ang 4th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) pero up to this writing ay wala pang official figures na inilalabas ang mga opisyales ng nasabing filmfest na nagsimula on Christmas day, December 25.

Walong movie entries ang kalahok sa 2021 MMFF pero ang nakakalungkot, hindi man lamang nasambot ng mga producer ang kanilang puhunan. Hindi man lamang daw umano umabot sa P30M ang gross receipts ng walong pelikulang kalahok dahil bukod sa takot pa ang mga taong lumabas at manood sa mga sinehan, inabutan rin ang filmfest ng pagsirit ng Omicron variant ng Covid-19 kaya lalong natakot ang mga taong manood sa mga sinehan nationwide.

Nariyan pa ang banta na baka ibalik sa Alert Level 4 ang Metro Manila at mga karatig lugar dahil sa pag-akyat ng mga kinapitan ng Covid-19.

Paano na lamang ang industriya ng pelikulang Pilipino na inasahan pa namang unti-unti nang makakabawi?

Dahil sa resulta ng 2021 MMFF, tiyak na hindi muna magpu-produce ng pelikula ang ilang producers except for Viva at Star Cinema na may sariling streaming app.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE