Default Thumbnail

Ginang nagbigit 2 buwan matapos manganak

December 20, 2021 Francis Naguit 245 views

HALOS dalawang buwan mahigit pa lamang na nakakapagsilang ang isang 26-anyos na ginang nang matagpuang nakabigti sa banyo ng inuupahang condominium sa Ermita, Manila madaling araw nitong Lunes.

Depression ang hinihinalang dahilan ng pagbigti umano ng ginang na hiwalay sa asawa at nangungupahan sa Ermita, Manila.

Batay sa nakalap na imbestigasyon ni Det.Jason Ibasco ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 3:20 a.m. nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng comfort room.

Ang may-ari ng condominium ang nakadiskubre sa insidente.

Ayon naman sa kapatid ng biktima, dalawang beses na umanong nagtangkang magpakamatay ng kapatid pero ngayon lamang natuloy.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, nito lamang nakaraang Oktobre 10, nang magsilang ng isang malusog na sanggol na babae sang ginang. Pero dahil sa hiniwalayan umano ito ng asawa, palagi na lang itong nag iisip sa pambayad sa inuupahang condo at panggastos sa pang araw araw nilang pagkain.

Pansamanatalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue ang ginang para sa kaukulang awtopsiya. Francis Naguit at Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE