NDRRMC

68 na patay sa Davao landslide

February 12, 2024 Zaida I. Delos Reyes 63 views

UMAKYAT na sa 68 ang mga nasawi dahil sa landslide sa Brgy. Masara, Maco, Davao de Oro.

Sa update ng Maco local government, nasa 32 pa rin ang bilang ng mga nasugatan at 63 pa ang nawawala bunga ng landslide.

Naganap ang landslide noong Peb. 6 at natabunan ang isang barangay hall, bus terminal company at mga bahay na nakatayo sa apat na barangay ng Maco.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 1,388,691 katao o 415,496 pamilya ang naapektuhan ng walang tigil na ulan sa Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga at Bangsamoro region.

Sa mga naapektuhan, 40,050 tao o 10,173 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa 159 evacuation centers habang ang 281,382 indibidwal o 95,021 pamilya ang nasa labas at nasa ibang lugar.

Umabot naman sa P738,619,756 ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at P212,544,830 ang pinsala sa agrikultura.

Una nang inilagay sa state of calamity ang buong lalawigan ng Agusan del Sur at Lingig sa Surigao del Sur.