Default Thumbnail

6 na miyembro ng “Gising Maharlika” inaresto sa protesta ng MPD

January 12, 2022 Jonjon Reyes 287 views

Arestado ng Manila Police Headquarters ang anim na miyembro ng grupong “Gising Maharlika”, na nagsagawa ng protesta Martes ng hapon sa Liwasang Bonifacio.

Kinilala ng pulisya ang mga ito na sina Antonio Lorenzo Santillan Tripon (29), Reynaldo Valeros Jr. Ilam (55), Sonia Valeros Evangelista (52), Albert Muyot Flores, Christopher Samarita Dangat (37), at Dixie Anthony Parungao Ceneta (36).

Umabot sa halos sa limang daan katao ang nagprotesta at ang ilan sa kanila ay walang mga suot na face mask na dumagsa ang grupo sa Liwasang Bonifacio sa Lawton Ermita, Manila upang ipahayag ang kanilang mga hinaing at pagtutol sa ginagawang pagpupursige sa mga magpapabakuna sa mga mamamayan na ito ay posibleng remedyo ng gobyerno laban sa pagdami at paglobo ng bilang ng kaso sa Omicron at Delta Variant Covid-19.

Hindi naman nagkulang ang mga kapulisan sa pagpapaalala na panatilihin ang social distancing at pagsusuot ng face mask, dahil mahigpit na ipinagbabawal ang mga pagkumpol-kumpol at pagtitipon-tipon.

Subalit naging matigas ang mga nagpoprotesta at nilabag ang mga health protocols kung kaya’t naglabas ng ultimatum ang kapulisan at naghigpit ang mga ito sa pagbabantay. Agad namang rumesponde ang mga firetruck upang sila ay paalisin at paghiwa-hiwalayin sa pamamagitan ng mga pagbuga ng tubig mula sa mga bumbero hanggang sa maaresto ang kanilang lider.

Nakatakda namang kasuhan ng mga kapulisan ang mga naaresto dahil sa paglabag sa mga ordinansa na ipinapatupad ng gobyerno gaya ng hindi pag susuot ng face mask at paglabag sa health protocols sa mga pampublikong lugar upang hindi pamarisan ang mga ito at maiwasan ang pagdami ng bilang ng kaso ng lumalaganap na Omicron at Delta Variant (COVID-19). Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE