Default Thumbnail

Shabu sa face mask, bistado

January 12, 2022 People's Tonight 243 views

Nabisto ng pulisya ang tinatagong shabu ng isang 36-anyos na lalaki makaraang mahulog ito sa hawak niyang face mask sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ni PLt. Col. Cristine M. Tabdi, Station Commander ng Eastwood Police Station (PS 12) ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek na si Mark Gregory Mendoza, 36, residente ng Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Sa report, bandang 4:30 ng madaling araw (January 11), papalapit umano ng mga pulis na nagsasagawa ng anti-criminality operation sa suspek upang sitahin sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Obrero St., Brgy. Bagumbayan, QC.

Pero nang mamataan ng suspek ang mga pulis ay kumaripas ito ng takbo subalit nakorner din ng mga awtoridad sa nasabing lugar.

Nang inspeksyunin ng mga awtoridad ang hawak na face mask ng suspek ay biglang naglaglag ang dalawang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600.

Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, City Ordinance No. SP-1515 Series of 2020 para sa Smoking in Public Place, at City Ordinance No. SP-2957 Series of 2020 sa hindi pagsusuot ng face mask.

“The QCPD maintains the intensification of law enforcement and public order and incessantly exhausts all legitimate means to endure the risk of COVID-19 without leaving any stones of criminality unturned,” pahayag ni QCPD Director, PBGen. Antonio C. Yarra.

AUTHOR PROFILE