Default Thumbnail

5 rebelde sumuko

July 7, 2023 Steve A. Gosuico 204 views

GABALDON, Nueva Ecija– LIMANG miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang sumuko sa militar at manumpa ng katapatan sa gobyerno.

Sinabi ni Lt. Col. Robert D. Agustin, 1st provincial mobile force company commander, ang lima, na kinabibilangan ng apat na babae, na mga miyembro ng Alyansa ng Mamamayang Nagkakaisa (ALMANA).

Nakilala ang lima na pawang tubong Gabaldon, Nueva Ecija na sina “Eddie,” 57, ng Bgy. Calabasa; “Patreng,” 64, ng Bgy. San Vicente, Laur; “Ester,” 74, “Yoly,” 62, at “Loreta,” 55, ng Bgy. Calabasa.

Nanumpa ang lima ng katapatan sa pamahalaang sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Bgy. Calabasa ng bayang dakong alas-3 ng hapon noong Huwebes.

Pinangasiwaan ng 1st PMFC ang pagbabalik-loob ng limang dating rebelde sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang yunit ng pulisya tulad ng PIU-NEPPO, mga istasyon ng pulisya mula sa Llanera at iba pa mula sa ikatlo at ikaapat na distrito ng lalawigan at 703rd Brigade ng Army.

Binigyan din ng food packs ang limang dating rebeldeng, ayon kayi Agustin.

Sinabi ni Nueva Ecija police chief Col. Richard V. Caballero na ang tuluy-tuloy ang pagtanggap ng pamahalaan sa mga susukong rebelde para mabawi ang puso at isipan ng mga dating rebelde at tuluyan nang bumalik sa lipunan.

AUTHOR PROFILE