BFP

25 PAMILYA NAWALAN NG BAHAY SA SUNOG SA CALAMBA

July 6, 2023 Zaida I. Delos Reyes 315 views

DALAWAMPUT- LIMANG pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na masunog ang residential area sa paligid ng Philippine National Railway tracks sa Barangay Halang, Calamba City, Laguna nitong Miyerkules ng gabi.

Batay sa ulat ng Laguna Police Provincial Office , nagsimula ang sunog dakong 9:45 ng gabi.

Umabot ito sa ikalawang alarma at idineklarang fire out dakong 11:18 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan ng sunog at kung magkanong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

Nauna rito nasunog din ang isang residential barracks ng Good Fortune sa Barangay Balibago, Santa Rosa City, Laguna.

Nagsimula ang sunog dakong 3:50 ng hapon at idineklarang fireout dakong 4:39 ng hapon.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP upang bigyang linaw ang insidente.