Default Thumbnail

5 arestado sa ‘cara y cruz’ sa Aliaga

August 6, 2023 Steve A. Gosuico 149 views

ALIAGA, Nueva Ecija–Lima katao, kabilang ang isang security guard, ang inaresto matapos mahuling nagsusugal ng ‘cara y cruz’ o heads and tails sa bayang ito noong Sabado ng gabi.

Ayon kay police chief Major Nestor E. Fabro, isinagawa ang operasyon sa Bgy. Pantoc dakong alas-6 ng gabi.

Kinilala ang mga inaresto na sina Francisco Mabuti, 34, security guard; Fernan Reyes, 29, farmer; Judilyn Mabuti, 35, Ivan dela Cruz, 20, jobless at Erica Mabuti, 27, dalaga, ng Bgy. Pantoc, Aliaga.

Nasamsam mula sa kanila ang tayang umaabot sa P1,222 at ang dalawang playing coins na ginamit sa cara y cruz.

Nahaharap sa paglabag sa illegal gambling law ang mga arestadong suspek.

AUTHOR PROFILE