Default Thumbnail

40k+ food packs inihahanda ng DSWD bilang ayuda sa TD Amang

April 12, 2023 Zaida I. Delos Reyes 192 views

NAKAKASA na sa mga strategic areas sa Eastern Visayas Region ang may 40,088 family food packs na inihanda ng Department of Social Welfare and Development 0 dswd bilang paunang ayuda sa mga maapektuhan ng Tropical depression Amang.

Ang mga food packs na nagkakahalaga ng P26.98 milyon ay naka-imbak sa mga bodega bayan ng Biri at Allen sa Northern Samar, Jipaad, Taft at Guiuan sa Eastern Samar; Almagro at Santo Niño sa Samar; Maripipi sland, Kawayan at Naval sa Biliran province: Sogod, Southern Leyte at DSWD operation center sa Palo, Leyte.

Laman ng bawat food packs ang anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, apat na lata ng tuna flakes, dalawang lata ng sardinas, limang sachets ng kape at limang sachets ng sereal drinks.

Bukod dito, naghanda rin ang DSWD ng 14,492 non-food items na nagkakahalaga ng P20.02 million.

Navy sa Southern Luzon naka-alerto

Samantala nakaalerto na ang buong pwersa ng Philippine Navy sa Southern Luzon bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng Tropical Depression Amang sa Bicol Region.

Sinabi ni Regiel G. Gataran, director ng Public Affairs Office ng Navy Forces-Southern Luzon, nakahanda na ang kanilang mga barko at tauhan upang bantayan ang epekto ng bagyo.

Aniya, mula sa mga barko, disaster rescue at response team gayundin ang mga military trucks ay naka-posisyon na upang tumulong sa mga awtoridad sa pagsasagawa ng posibleng search and rescue operations.

Tutulong din ang Navy sa pabdadala ng relief goods, mga gamit ,paglilikas ng mga masusugatang indibidwal at pag-antabay sa mga maapektuhang pamilya sa bawat komunidad.

Tiniyak ng NFSL na sa panahon ng bagyo at anomang kalamidad sa bansa ay palagian silang handang tumulong at magbigay serbisyo sa mga mamamayan.