Default Thumbnail

4 tiklo sa sabong game fixing sa derby sa Ecija

August 5, 2023 Steve A. Gosuico 189 views

JAEN, Nueva Ecija–Isang negosyanteng lalaki at tatlo pang kasamahan niya ang inaresto ng mga pulis dahil sa panyonyope o game fixing ng manok noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Edwin Padiernos, 59, auditor ng NJCA cockpit arena sa Bgy. Sapang, dumulog siya sa pulisya para ireklamo ang tatlong suspek dakong 2:46 p.m. ng Biyernes.

Kinilala ang mga inaresto na isang 32-anyos na negosyante, babae, 33, isa pang lalaki, 22, construction worker, kapwa ng Bgy. Pandacaqui, Mexico, Pampanga.

Inaresto din ang isang 29-anyos na lalaking walang trabaho, ng Bgy. Cutud, Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Padiernos, tumaya ang mga suspek sa manok ng kalaban ng P32,000 at nanalo ng P11,400.

Kasong violation of Presidential Decree 483 (Penalizing betting, game-fixing or point shaving and machinations in sports contests) ang isasampa laban sa mga arestadong suspek, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE