Default Thumbnail

4 tiklo sa ‘mahjong session’ sa San Jose

April 23, 2023 Steve A. Gosuico 331 views

SAN JOSE CITY — Sinalakay ng mga operatiba ng city police ang isang ilegal na pasugalan at inaresto ang apat na katao habang naglalaro ng ilegal na mahjong game dito nitong Sabado.

Ayon kay city police chief Lt. Col. Marlon M. Cudal, ang mga naarestong suspek ay isang 42-anyos na hair stylist, isang 59-anyos na lalaki, at dalawang maybahay, pawang naninirahan sa Zone 7, Purok Riverside, Bgy. Abar 1st, ng lungsod na ito.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa bandang 3:30 p.m..

Nakumpiska mula sa raid ang bet money na nagkakahalaga ng P1,500, isang mahjong set at dalawang dice, isang mesang kahoy, at apat na monobloc chair.

Nakakulong na ang apat na suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng Republic Act 9287 dito sa city prosecutor’s office.

AUTHOR PROFILE