Default Thumbnail

Lalaki tiklo dahil sa bitbit na riple sa Palayan

April 23, 2023 Steve A. Gosuico 375 views

PALAYAN CITY — Isang lalaking nakitaan ng riple na nakasukbit sa kanyang balikat ang hinuli ng mga alagad ng batas habang naglalakad sa lansangan dito Sabado ng umaga.

Ang arestadong suspek ay isang 57-anyos na residente ng Bgy. Atate ng lungsod na ito.

Ayon kay city police head Lt. Col. Renato C. Morales, ang kanyang mga tauhan ay nagsasagawa ng patrol operations sa Bgy. Caballero nang maispatan nila ang suspek sukbit ang isang kalibre 22 na riple bandang 8:50 a.m.

Hinanapan nila ng kaukulang dokumento para sa nasabing armas ang suspek subalit wala itong maipakita kaya kaagad itong inaresto ng otoridad.

Kumpiskado mula sa suspek ang isang homemade cal.22 at 15 bala nito.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang nasabing suspek na ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng otoridad.

AUTHOR PROFILE